Eviane's P. O. V. Kinabukasan nagising ako nang masama ang timpla ng katawan ko, napahawak ako sa aking tiyan saka bumaling sa kama. Nakita ko si Garrison na mahimbing pa rin ang tulog. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong almost 6 am na, gusto ko pa sana matulog pero mukhang ayaw na ng baby ko. Pakiramdam ko masusuka ako any minute. Magta-tatlong buwan na rin naman ako, malapit na. Ngayong araw, linggo. Hindi aalis si Garrison dahil usapan namin na susunduin ni Jonathan sila Mama ng 10 am mula sa plaridel at makakarating sila rito ng lunch time kaya sabay-sabay kaming magla-lunch. Hinila ko ang kumot dahil sa lamig ng aircon, sa paggalaw ko ay naalimpungatan pala si Garrison. Naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa beywang ko sabay hila nito sa akin. "Good morning, my pret