Eviane's P. O. V. "Anong plano mo?" tanong ni Jonathan habang ibinababa mula sa kaniyang sasakyan ang supplies na kailangan ko sa bahay, grocery, ilang gamit sa apartment ko at bagong mga damit na maternity clothes. "Wala, hahayaan ko na lang sila. Pagod na akong ipilit lahat." Napahalukipkip ako at akmang tutulungan siya sa pagbuhuhat patungo sa apartment ko pero hindi niya ako binigyan kahit isang plastic lang. "Ang mahalaga sinubukan mo, lumaban ka. Kahit masakit, pinaglaban mo yung pagmamahal mo kay Garrison," sabi nito habang naglalakad kami paakyat ng hagdanan patungo sa palapag kung saan ang aking kuwarto. "Oo, pero sayang lang hindi ako nagwagi. Hindi niya ako pinili. Balita ko, nakalabas na siya ng ospital." Nakarating kami ng apartment at binuksan ko ang pinto, nilapag ni J