Eviane's P. O. V. Sobrang daming hinandang pagkain ni Mama ngayong narito ako sa bahay nila sa Plaridel. Gabi na at sabay-sabay kaming kumain. Muli na namang nag-ring ang cellphone ko na nasa loob ng aking bag, napatingin sila Mama sa akin. "Kailan mo ba sasagutin ang cellphone mo? Isang oras nang nagri-ring 'yan," sabi ni Mama. "Si Garrison lang 'yan," sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ko. Siniko naman ako ni Victa na katabi ko sa upuan. "Talagang titiisin mo? Ano bang pinag-awayan ninyo, ate?" tanong niya. Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy lang ang aking pagkain, kanina pa nila ako tinatanong kung ano ba ang nangyare sa amin, kung bakit kami nag-away at umalis ako sa bahay namin. Kung ano-ano na rin ang iniisip nila pero hindi sila tumama. Ayoko rin sabihin ang mga nakita k