Garrison's P. O. V. Kinabukasan, natapos ang trabaho ko ng buong araw na kasama si Eviane. Hinihintay kong mag-reply si Azrielle dahil pupunta kami sa mansion ng parents niya para mag-dinner, pag-uusapan raw ang kasal. "Love, pwede bang umuwi na ako? Mag-o-overtime ka ba ngayon sa work? Mukhang busy ka pa rin e'," walang ganang sabi ni Eviane at tumayo sa harapan ng desk ko. Binaba kong pataob ang cellphone ko dahil baka makita pa niyang ka-chat ko si Azrielle. Ayokong magselos siya, pero kailangan na naming tapusin ni Azrielle ang arranged marriage na 'to. "Baka mag-overtime ako, Love. Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" tanong ko. "Oo, parang nananakit yung likod ko." Hinawakan niya ang kaniyang likod. "Gusto mo ba magpa-full body massage tayo this Sunday? Bukas kasi, sabado may