Eviane's P. O. V. Tila ba may tumatakbong kabayo sa dibdib ko sa sobrang bilis at lakas ng t***k nito. Nag-aalala ako para kay Garrison, hindi sila pwede mag-abot ni Solomon. Lalo na ngayon at parang nababaliw si Solomon, kung ano-anong delusyon ang iniisip patungkol sa akin. Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong sumakay rito. Nanginginig ang kamay kong pinindot ang ground floor. Napahawak pa ako sa aking tiyan, ipinagdarasal na walang masamang mangyare kay Garrison. Hindi na sila dapat magkita. Kahit ano namang gawin kong pagtakas kay Solomon ay hinahabol pa rin niya ako. Pagbukas ng pinto ng elevator ay laking gulat ko nang makita ang nagkukumpulang mga tao sa entrance ng building. Sa kaba ko ay napatakbo ako patungo roon. "Uhaw ka ba sa babae, ha? Hindi ba't may Azrielle ka na