Eviane's P. O. V. Napipikit ako sa elevator habang patungo ito sa pinakamataas na palapag, kung nasaan ang office niya. Kailangan ko kausapin si Garrison, dahil hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi. Napuyat ako kaka-overthink. Hindi siya nagre-reply at gusto ko sabihin na hindi totoong ayoko na. Nadala lang naman ako ng emosyon ko dahil mali ang ginawa niya. Pagbukas ng elevator ay dire-diretso akong naglakad patungo sa office ni Garrison. Pagbukas ko ng pinto ay napatigil ako, sobrang tahimik. Paglingon ko sa kaniyang desk ay wala si Garrison. Malinis at maayos ang lamesa nito at mukhang hindi nagagalaw. "Late ba siya papasok?" tanong ko sa aking sarili. Naupo ako sa couch at tinignan ang cellphone. Maski seen ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Napasandal ako sa kinauupuan ko