Eviane's P. O. V. Simula nang maging okay ang pakiramdam ko, nakakakilos na ako mag-isa at unti-unti nang bumabalik sa normal na lakas ang katawan ko. Nagpasya kami ni Garrison na ayusin na ang aming kasal. "Love, it's been a month since my father died. I want to visit him," rinig kong sabi ni Garrison. Ibinaba ko ang hawak kong tasa ng kape. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal, kakatapos lang dumede ni Maeve at tulog na tulog ito sa sofa bed. Inililibot namin siya sa buong bahay para masanay ito at dahil nakakaaninag na rin siya. "Sure, puntahan natin si Tito." Nang sabihin ko iyon ay napabuntong hininga si Garrison tila ba naging malungkot ito. Napatigil naman ako sa pagkain at hinawakan ang kamay niya. "Love..." bulong ko. Tumingin ito sa akin. "Hindi man lang nakita ni Dad kung