CHAPTER 43 GRIECO Eco noticed the silence that’s been eating Kisses since they left the mansion. Papasok na sila sa gate ng apartment pero tulad sa mga magulang nito ay wala itong imik sa byahe. Hindi ba nito gusto ang naging sagot niya sa ama niya matapos silang nag-usap? “Pumasok ka, Eco at mag-uusap pa tayo.” Ani Alfonso sa kanya kaya tumango siya kaagad. “Opo, Papa.” turan niya at saka lang ito tumalikod. Napabuntong hininga na sumandal si Kisses sa pader at tumingala sa kanya kaya tumayo lang naman siya sa harap ng dalaga. “Bakit ka um-oo?” “Saan?” nawala ang ngiti niya at napalitan ng kalungkutan ang mukha. Alam na niya ang ibig nitong sabihin pero ayaw niyang ipakita rito. “Don’t you like my answer? If I said no, I don’t want to marry you, would be glad, bae?” napameywang siy