CHAPTER 36 KISSES “Magtititigan na lang ba tayo rito buong maghapon, Mister Cardozo?” masungit na tanong ni Kisses sa lalaking kaharap niya na kanina pa nakatulala sa mukha niya simula nang ipaghila niya ito ng silya sa loob ng bahay. Cardozo… such a beautiful surname. Czarina Kraze Vergara Cardozo. Iyon ang apelyido ni CK na dapat ay dala ng bata at hindi Vergara na walang middle name o middle initial; patunay na walang ama ang anak niya. “Sorry. Noong nakaraan pa kita tinitingnan talaga. I’ve noticed you from a distance and I don’t wonder why Grieco was enthralled.” hingi nito ng despensa sa kanya. “Huwag niyo na ho akong bolahin.” mataray pa rin na sagot niya kahit na ang mata niya ay hindi maalisan ng luha. The man chuckled and she was halted. Tumingin siya rito at nahuli niya na