CHAPTER 27 GRIECO His smile vanishes as soon as he sees Bryce in front of the unit's door. Kausap ng lalaki ang ina ni Kisses na agad na napatingin sa kanya. Pangatlong araw na niyang pabalik-balik dahil sa sakit ni Kisses. Nakilala niya ang babae noong nakaraang araw nang datnan niyang may binubuhat na kahon at walang paalam na lang niyang iniangat habang laglag ang mga panga ng babaeng mas maliit na sobra sa Kisses niya. Nagpakilala siya sa babae at ganoon na lang ang gulat niyon. The woman is kind, so kind. Kung approachable ang ama ni Kisses ay mas lalong sobrang bait ng ina ng dalaga na parang wala siyang maipintas sa unang araw ng pagkikita nila. Para iyong isang matagal na kakilala na walang mararamdaman ang kahit na sino na pagkaasiwa o pagkaalangan. Eco crosses his arms over h