Chapter 7 RISSY “Please, I am begging you two not to argue this time. Maraming media ang nakaabang at siguradong puputaktihin ng tsismis ang libing ni…” naluha si David at napatigil sa pagsasalita sa harap ni Rissy at Zale bago buhatin ang kabaong para isakay sa karo ng patay. Humagulhol na rin si Rissy ng iyak at parang bata niyang niyakap ang kabaong. Ganoon na ganoon siya nang mamatay ang kanyang ina at ama at napakahirap na wala siyang kapatid na karamay sa mga sandaling iyon na nadurog ang bata niyang puso sa sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Ngayon ay nawalan na naman siya. Lahat ng tao na minamahal niya ay iniiwan siya. Bakit pa nagmamahal ang tao kung wala rin namang katiyakan na magkakasama habambuhay? Dahil masarap magmahal. Iyon na lang ang libre sa mundo bukod s