Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ngunit dahil inaantok pa ako kaya nag-adjust ako ng sampung minuto upang matulog muli. 
“Ten minutes pa,” bulong ko. 
But before I could drift back into deep sleep, the alarm went off again. 
“Hays! Ang bilis naman ng sampung minuto!” Naiinis kong sabi. 
Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at maghanda sa pagpasok sa trabaho. I got up to prepare for work. I grabbed my towel and stepped out of my room to take a shower. On my way out, I saw my mother cooking breakfast in the kitchen. 
“Good morning, Nay!” 
I went straight to the sink to wash my face and drink a glass of warm water. It’s something I always do in the morning since I know my body gets dehydrated overnight. 
“Jillian, magbabaon ka ba ng pagkain?” tanong ni Nanay. 
“Ano po ba ang baon ko sana?” 
“Pork steak at vegetable salad,” tugon ni Nanay. 
Bibihira na lang ako kumain ng kanin ngayon. Kung kakain naman ako, sinisigurado ko na pasok pa rin sa calories na kailangan ko sa isang araw. 
“Sige po.” 
“Maligo ka na at kumain ka ng almusal.” 
I headed to the bathroom. I spent barely twenty minutes there before stepping out. Nagbihis muna ako ng pambahay na damit dahil kakain ako ng almusal. Kulay puti kasi ang uniporme ko kaya iniingatan ko itong madumihan. 
“Kain ka na, anak,” wika ni Nanay. 
My breakfast was boiled egg, banana, and black coffee without sugar. Being a nurse, I’ve been avoiding unhealthy food. Even my parents have gotten used to eating healthier meals. 
“Jillian, iwan mo ang health card mo,” wika ni Nanay. 
“Magpapa-laboratory ba kayo ngayon?” 
Umiling siya. “Ipapa-check up ko ang Tatay mo dahil hindi na nawala ang kulane niya sa paa.” 
I stopped eating. “Kailan pa ang kulane ni Tatay? Bakit hindi n’yo sa akin sinabi agad?” 
“Hindi ko rin alam na hindi pala magaling ‘yon. Noong nakaraan buwan pa iyon. Alam mo naman ang tatay mo, masyadong malihim.” 
“Gising na ba si Tatay? Gusto kong makita ang sinasabi niyang kulane.” 
“Huwag mo ng gisingin at kakatulog pa lang niya. Nilagnat siya dahil sa kulane niya.” 
Nag-aalala ako sa sinabi ni nanay. “Doon kayo sa ospital na pinagtatrabahuhan ko pumunta. Naka-duty si Dr. Briones mamayang alas-onse ng umaga. Ipapalista ko na kayo sa sekretarya niya para kayo ang unahin.” 
“Sige, anak.” 
“Tawagan n’yo ako kapag nandoon na kayo,” sabi ko. 
“Sige, anak.” 
Bago ako umalis ng bahay ay iniwan ko ang health card ko sa kanila. Ang benipisyo nito ay hindi lang sa akin pati na rin sa magulang ko. 
“Jillian!” tawag ni Nurse Bellen. 
Siya ang karelyebo ko sa gabi. Kami ang nagpapalitan na naka-assign sa pediatrician section. 
Lumapit ako sa kanya. “Good morning!” 
“Jillian, sa patient no 8, na si Ariayana. Mauubos na ang nakalagay na dextrose niya before 8am. Ang sabi ni Dra. Esmael. Palitan na ng D5 0.3% NaCl (D5 1/3 NSS). Nakalagay na diyan ‘yung last na vital sign na nakuha ko sa kanya at sa ibang pasyente.” 
“Sige, ako na ang bahala rito.” 
“Nag-endorse na si Dra. Elmael sa Dr na pediatrician ngayon, pero ipaalala mo rin sa kanya ang kondisyon ng bata.” 
“Okay, ako na ang bahala.” 
“Sige, good luck!” wika ni Bellen. 
“Ingat sa pag-uwi,” tugon. 
Nang makapag-endorse na siya ay umikot na ako sa mga pasyente para kunin ang mga vitals signs nila at in-update ko na rin ang chart. Tiningnan ko na rin ang kondisyon nilang lahat para mai-report ko sa doktor sa umaga. 
Tuwing umaga ay masyado akong busy dahil maraming pasyente. Mabuti na lang at hindi ako naka-assign sa emergency room dahil siguradong kahit kumain ay makakalimutan ko na. 
By almost eleven, my parents had arrived at the hospital for my father’s check-up. Pinuntahan ko sila sa saglit sa silid ni Dr. Briones, para malaman ang finding sa kanya. 
“Nurse Anna, anong sabi ni Dr. Briones sa tatay ko?” tanong ko sa nurse na naka-assign kay Dr. Briones. 
“Nag-request ng biopsy si Dr. Briones.” 
Kinabahan ako. “Biopsy agad? Hindi muna pina-ultrasound?” 
“Na-ultrasound na siya at nakita na ang resulta kaya nag-request si Doc ng biopsy.” 
Kinabahan ako. “Gano’n ba? Kailan puwedeng gawin?” 
“Ang gusto ni Doc ay ngayon na gawin para malaman agad ang resulta at mabigyan ng tamang gamot. Umalis na kasi ang magulang mo, kaya hindi ko alam kung tumuloy sila para magpa-biopsy.” 
Bumuntong-hininga ako. “Sige, sasabihin ko sa kanila ang sinabi mo.” 
Anna gently patted my shoulder “Jillian… kung anuman ang maging resulta ng biopsy ng tatay mo, huwag kang panghihinaan ng loob,” saad niya habang nakatingin sa akin. 
I forced a smile. “Siyempre naman. Mukhang sa tono ng pananalita mo, alam mo na ang magiging resulta. Sinabi ba sa’yo ni Dr. Briones ang hinala niya sa sakit ng tatay ko?” 
Bumuntong-hininga si Anna. “Puwede naman magkamali si Doc.” 
Tumango ako. “S-Sige, iwan na kita baka hinahanap na ako.” Before she could see the tears welling up in my eyes, I left and hurried to the restroom. Doon ko nilabas ang luha na kanina pa gustong lumabas. 
“Bakit ba ako umiiyak? Masyado naman akong nag-o-overthink. Kailangan positive pa rin ako,” sabi ko habang nakaharap sa salamin at nagpupunas ng luha. 
If I didn’t know how good Dr. Briones was as an oncologist, I wouldn’t be this worried. Still, I forced myself to focus on work. 
** 
“Jillian, off duty ka na?” wika ni Lora. 
Nasa harap ako ng locker ko at kinukuha ang mga gamit ko. 
“Oo, wala akong over time ngayon.” 
Kumunot-noo siya. “May punpuntaham ka ba kaya hindi ka nag-overtime?” 
Umiling ako. “Wala naman. Gusto ko lang umuwi ng maaga dahil kailangan kong makausap ang magulang ko.” 
“Okay, ingat ka.” 
Ngumiti ako. “Ikaw rin.” Kinuha ko ang bag ko at umalis. 
I quickly left the hospital and hopped on the booked motorbike ride. In just a few minutes, I was already at our gate. 
“Jillian, ang aga mo ngayon umuwi. Wala kang overtime?” tanong ni Nanay. 
Lumapit ako sa kanya. “Hindi ako nag-overtime ngayon dahil gusto kong malaman kung kumusta si Tatay?” 
“Okay naman ang tatay mo?” sabay iwas niya. 
Hinawakan ko ang braso niya. “Npay, nakausap ko ang nurse na nag-assist sa inyo kanina. Nalaman kong kailangan ni Tatay na magpa-biopsy.” 
“Ayaw ng tatay mo na magpa-biopsy. Gagaling naman daw siya.” 
Bumuntong-hininga ako. “Kakausapin ko si Tatay.” Inakbayan ko siya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. 
I put my arm around her, and we went inside together. Even without her saying it, I could feel how worried she was about my father. 
*** 
Nakatitig ako sa perang mahigpit kong hawak ang tatlong libo, galing sa estrangherong tinulungan ko kanina. Para bang bigat ng halaga ay dumadagundong sa dibdib ko. 
“Ang laki naman ng ibinigay niya… Maraming gamot ang mabibili nito,” mahina kong bulong, wari’y kinakausap ang sarili. 
Mabilis kong isinuksok sa bulsa ng pantalon ang pera, para bang baka biglang maglaho. I walked back to the pharmacy, each step heavy and burdened with worry, until I bought my father’s medicine. Afterward, I hurried straight home. 
“Jillian, anak! Mabuti at nakauwi ka na. Ipaghahain na kita ng pagkain,” salubong ni Nanay, may halong pagod at pag-aalala sa tinig. 
I bit my lip. I wanted to smile, but my heart felt heavy. I needed to be strong. I couldn’t show weakness, not now, not in front of them. Lalo na ngayong ilang araw pa bago namin malaman ang resulta ng biopsy ni Tatay. 
Inilapag ko sa mesa ang mga pinamili. “Huwag na po, Nanay. Kaya ko na.” 
Her eyes fell on the pile of medicines. “Ang dami mong nabili… mabuti at may pera ka pa?” 
“May nakilala akong mabuting tao kanina. Binigyan niya ako ng tatlong libo.” 
Kumunot ang noo ni Nanay, halatang nag-aalinlangan. “Nanghingi ka ba ng pera sa iba?” 
I shook my head firmly. “Hindi po. May tinulungan ako sa kalsada. Tuwang-tuwa siya at pinilit akong bigyan ng pera. Ayaw ko sanang tanggapin pero ipinilit niya. Wala na akong nagawa dahil agad siyang sumakay ng kotse.” 
“Akala ko… nanghingi ka sa iba. Ano ang itsura ng taong ‘yon?” 
Saglit akong natigilan, inalala ang kanyang anyo. “Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil nakasalamin. Pero… matangkad siya, at halatang may kaya.” 
My mom nodded, though the unease in her expression lingered. “Gano’n ba? Kumusta naman ang Tatay mo?” 
“Iniinda pa rin ang sugat. Halos ayaw na kumain,” sagot niya. 
Napakagat ako ng labi. “Gagaling din ‘yon basta huwag lang ma-infection. Mamaya, lilinisin ko ulit.” 
Bumuntong-hininga si Nanay, ang tinig niya’y garalgal. “Hindi ko mapigilang mag-alala, Jillian.” 
Hinawakan ko ang kanyang kamay, malamig at nanginginig. “Huwag po kayong mag-isip ng kung anu-ano. Hindi cancer ang bukol ni Tatay. Hindi…” Mahina ang boses ko, ngunit puno ng panalangin. 
Ngumiti si Nanay, pilit, bago siya tumalikod. “Sige. Kumain ka na nang marami. Pupuntahan ko muna ang Tatay mo.” 
Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa kuwarto nila. 
“Tay, lilinisin ko po ang sugat n’yo,” maingat kong sabi. 
He nodded, forcing a smile though the pain was etched on his face. Inayos ko ang mga gamit, nagsuot ng gloves, at isa-isang inalis ang lumang balot. Tumambad sa akin ang mapulang sugat, ngunit unti-unti nang natutuyo. 
“Oh, malapit na itong gumaling,” sabi ko, bagama’t pilit ang kasayahan sa tinig ko. 
“Sinabi ko na kay Tatay mo na huwag galawin,” sabat ni Nanay mula sa pinto. 
“Tay, makinig kayo kay Nanay. Bawal hawakan, lalo na kung hindi kayo naghuhugas ng kamay,” seryoso kong wika. 
“Hindi ko naman hinahawakan… tinitingnan ko lang,” tugon niya, halos may bahid ng tampo. 
Pinilit kong ngumiti. “Basta, huwag na kayong matigas ang ulo. Konting tiis na lang.” 
“Salamat, anak,” mahina niyang sagot, bago napapikit. 
Matapos kong linisin ang sugat niya ay, dumiretso ako sa sariling silid. Habang nagpapalit ako ng damit, biglang tumunog ang cellphone. Napasinghap ako nang makita ang pangalan ng ospital. 
Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag. “H-Hello?” 
“Nurse Jillian? Si Ara ito mula sa information. Pinapatawag ka ni Dr. Briones.” 
“Lumabas na ba ang resulta ng biopsy ng Tatay ko?” halos pabulong, nanginginig ang tinig ko. 
“Hindi ko alam. Puntahan mo na lang siya, nandiyan pa siya.” 
Pagkababa ng tawag, mabilis akong nagbihis at lumabas ng bahay, hindi man lang nagpaalam ng dahilan. Habang naglalakad, sumiksik sa isip ko ang iisang dasal: 
“Lord, sana… sana hindi cancer.” 
Pagharap ko kay Dr. Briones, halos manghina ang tuhod ko. 
“Doc… sigurado ba talaga ito?” I asked, still hoping for a mistake. 
He let out a heavy sigh. “Jillian, I know this is difficult. But you must accept it. It’s lymphoma cancer.” 
The world seemed to collapse around me. I wiped the tears streaming down my face. “I-I don’t know how I’ll tell my father…” 
“Don’t worry. I’ll help prepare him. But for now, we need to schedule an MRI and PET scan to see if it has spread.” 
I nodded weakly. “O-Okay, Doc.” 
“Walang PET scan dito. Ire-refer kita sa hospital kung saan, mas makakatipid ka.” 
“Salamat po, Doc.” 
Paglabas ko ng silid, parang may nakadagan sa dibdib ko. Sa pasilyo, nasalubong ko si Lora. 
“Jillian… kumusta?” tanong niya, may halong kaba sa mukha. 
Hindi ako nakasagot. Luha lang ang naging tugon ko. “L-Lora…” 
Mabilis niya akong niyakap. “Kaya mo ‘yan. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita.” 
“Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Nanay at Tatay. At… saan ako kukuha ng pera? Hindi sakop ng health card natin ang cancer. Ang mahal ng gamutan.” 
“Tawagan ko si Dra. Francia. Sa ospital nila, libre ang gamutan para sa may cancer. Government hospital iyon, at magagaling ang mga doktor.” 
“Salamat…” bulong ko, halos wala nang boses. 
Ngumiti siya, pilit na pinapagaan ang loob ko. “Huwag kang mag-alala. Gagaling si Tatay.” 
Ngumiti rin ako, tipid at mahina. But deep inside, I knew… this was just the beginning of a heavy battle we had to face.