"Ang sabihin mo kulang ka kasi sa aruga kaya ka ganyan! Walang modo! Mahilig sa away! Lagi kang naghahanap ng atensyon!” Sigaw sakin ni Olivia. Napaawang naman yong bibig ko sa gulat. Bakit pati yong personal life ko pinapakialaman niya?! Ang awayan lang naman namin is yong libro na pareho naming nagustuhan ngayon dito sa library. Ako yong naunang nakahawak sa libro, kailangan ko yon para sa literature subject namin pero etong si Olivia sadyang epal! Lahat nalang ng meron ako gustong gusto na inaagaw. Gusto niya sa kanya nalang lahat! “Ikaw ang nagsimula ng away hindi ako!” Sigaw ko naman sa kanya. At saka ko kinuha yong suklay ko sa loob ng bag ko para ayusin yong sumabog kung buhok. “Kasi hinawakan ko na yong book pero inagaw mo pa sakin!” Sigaw din niya pabalik sayo. Sinungaling! S