Kabanata 3
"Waaahhh! p*****t! Goddammit, you maniac!" Hawak-hawak niya yong junior niyang gising na gising at my puti-puti pa yong tip. What was that? Sperm? c*m? Whatever! Hindi na virgin mga mata ko!
"Teka lang, bakit kasi hindi mo nalang ako pauwiin? Bakit kelangan mo pa ako ikulong dito? Ayoko dito! Palabasin mo akong demonyo ka!" reklamo ko kay Ero nang bigla nalang niya akong hilain papasok dito sa mini-bed room ng office niya, at sabi niya dito lang daw ako hangga't di nakakaalis ang Daddy niya.
"Do you really think Dad would believe me if I introduce you as my secretary?" inis niyang tanong sakin, saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Para naman matago ko yong pagkailang ko sa kanya, sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ko bigla ang dibdib niya. Parang ako pa ata yung nasaktan sa ginawa ko.
Ang tigas! Teka nga, ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Bigla akong napaisip sa sinabi ni Ero, saka ako tumango-tango. Yan nga din ang nasa isip ko kanina eh. I sighed and sat down on the bed.
"Kasalanan mo naman kasi 'to eh! Pinagpilitan mo pa akong isuot 'to! Mas mukha akong nagtratrabaho sa club kesa sa secre—" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang bigla nalang tinakpan ni Ero yong bibig ko at saka niya ako pinangdilatan na parang sinenyas niyang, 'manahimik ka'.
"Ero, son, where are you?" Is that Ero's Dad? Bakit ganun, pamilyar sakin yun boses niya! Bumulong naman si Ero sakin bago niya tinanggal niya ang kanyang mabangong kamay sa bibig ko.
"Don't make any noise," tumango naman ako sa sinabi niya. "Stay here, I'll be back when Dad leaves." Muli akong tumango at nagulat nalang ako nang may lumapat na malambot sa lips ko, at narealize kong mga labi pala ni Ero yun. Kasabay nun ay may weird na pagbilis ng t***k ng puso ko, para ding may butterflies sa tummy ko after niya akong halikan sa lips. Napatitig nalang ako sa kanya sandali at winish na sana medyo nagtagal pa yung kiss.
The next thing I heard is the clicking sound of a door being locked from outside. Ugh! Hindi talaga ako makakalabas kasi nilock niya ako dito sa loob.
I touched my chest at nararadaman ko padin ang bilis ng t***k ng puso ko, dahan-dahan ko namang tinaas yong kamay ko sa lips ko ng di ko namamalayan, at ganun nalang ang pagpipigil ko ng tili ng maalala ko yong eksenang nadatnan ko sa bathroom niya.
Naalala ko na naman yung way ng paghawak niya sa ano niya, tapos tinakip niya sa bibig ko yung kamay niyang yun! f**k! This is so stupidly gross! Buwisit talaga yong Ero na yon, ang dugyot! God knows what he was doing there before I came in!
Pero pamilyar talaga yong boses ng Daddy ni Ero, parehong-pareho sa boses ni Jacobo. I sighed, maybe I just really miss him kaya pati daddy ni Ero, napagkakamalan kong kaboses niya.
Speaking of Jacobo, tinignan ko ang phone ko at saka chineck kung my text ba siya, pero wala pa din. Kagabi, nagpaalam siya sakin na sasamahan daw niya ang magaling niyang asawa papunta sa rancho ng mga manugang niya dahil miss na miss na daw niya ang parents niya. Napakamadrama naman pala ng asawa niya, pano niya kaya natatagalan yun.
Kapag kami na ni Jacobo ang naging mag-asawa, I'll make sure na hindi magiging madrama ang pagsasama namin. Wala na ang mga parents ko na dapat dalawin sa probinsiya kasi nasa ibang bansa na sina Mommy at Daddy with their own family.
My mom married a white guy, with my stepbrother at nakatira sila sa California, samantalang si Daddy naman, nasa Canada with her new wife, and of course, and with two more stepbrothers in tow. I am just a result of a one night mistake. Kaya hindi na ako nagtaka na lumaki ako kina Lola at Lola ko, my mom's parents.
Nakaalis na pala ang Daddy ni Ero, at si kumag, nagmamadaling hinila ako papunta sa may mini sala set niya. "Martha is on her way here," seryosong sabi sakin ni Ero. "Do something to shoo her away." Tinaasan ko naman siya ng kilay at saka ko siya inirapan. Pagkatapos niya akong ikulong dito ng halos tatlong oras, ang kapal ng mukha niyang utusan ako agad, ni hindi man lang muna ako pinabigyan kumain?!
Hindi ko siya pinansin instead tinalikuran ko siya. Alas tres na! Ibig sabihin past lunch na, imbiss na payagan ako maglunch muna dahil nalipasan na ako, gusto b naman ako ihagis sa bunganga ng tigre agad? Ang epal talaga! Ang sarap niyang sampal-sampalin!
"Kendall, I am talking to you! Don't turn your back on me!" sigaw niya sakin at saka niya ako marahas na iniharap sa kanya. Sa sobrang inis ko din sa kanya kinurot ko yong kamay niyang nakahawak sakin para bitiwan niya ako.
"Huwag mo nga akong ma-Kendall Kendall jan at pwede ba, magtagalog ka nga! Wala ka sa ibang bansa kaya wag mo akong maingles-ingles! Ero naman, alas tres na ng hapon, antagal mo akong kinulong tapos hindi pa ko nagla-lunch! Imbes na bigyan mo ako ng lunch break ko, kung makapag-utos ka sakin akala mo kung sino kang hari!"
Hindi naman nakatakas sa paningin ko yong gulat na rumihestro sa mukha niya, malamang dahil sa ginawa kong pagsigaw sa kanya, pero wala na akong paki. Nakakainis! Akala mo kung sino, oo nga't super-hot at gwapo niya, pero ang sama-sama naman ng ugali! Isa siyang walking demonyito!
Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at saka ako lumabas ng mini-bedroom niya, pero napahinto ako sa akmang paglabas nang my makita akong babae.
Sobrang puti niya at nakared siyang dress mas maikli pa sa suot-suot kung dress. Naka stilettos din siya, magkasalubong ang mga braso niya sa harapan ng malapakwan niyang dibdib, at nang magsalubong ang tingin namin, tinaasan niya agad ako ng kilay at saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
Hindi ko naman maiwasang mapairap. Mukha lang siyang maganda kasi maputi siya at mukha lang siyang sexy kasi napakaikli ng damit niya. "Who are you?" Mataray niyang tanong sakin at dahil sa sobrang init ng ulo ko ay sa gutom ko, kung ano-ano nalang ang nasabi ko sakanya na pabor sa side ng demonyong epal na maniac na si Ero.
"Ero's girlfriend." Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Kaya kung talagang my takot ka sa Diyos at ayaw mong mapuno ng kurot yang espasol mong balat at katawan, lumayas ka ngayon dito!" sigaw ko sakanya. Sunod-sunod naman siyang lumunok at dali-daling tumakbo sa my pinto para makaalis.
I sighed when she's finally gone. Kapag nga naman gutom ako, nagtratransfrom ako sa isang beast. Unti-unti naman akong napalingon ng may lalaking pumalakpak sa likuran ko at saka ko siya sinimangutan ng makita kung tuwang-tuwa pa siya sa nangyari,may pagkamangha pa nga ata na ankasulat sa mukha niya. Gwapo nga, pero para siyang tanga para matuwa lang sa ganun na ginawa ko.
"Wow! What a performance! Ang bilis mo lang napaalis si Martha," sabi niya sakin. Hindi ko na naman siya sinagot, lumabas nalang ako para hanapin yong canteen. Gutom na gutom na ako.
--
Pagbalik ko naman sa office ni Ero ng mga four thirty PM sabi sakin ni Miss Curtis wala daw si Ero sa loob, at kahit na labag na labag sa kalooban ko,at syempre bilang secretary niya tinanong ko pa din kung san nagpunta ang hampaslupa at sabi niya sakin nasa isang meeting daw.
Tumango naman ako at nagdiretso papunta sa working table ko. Kumunot naman yong noo ko nang makita ko ang isang malaking square na red box sa table. It's a box of cake, base na din don sa nakasulat na brand sa box. May nakatype din na malait na note kaya kinuha ko 'to at binasa.
'Job well done. I hope next time you can shoo away more girls who wants to see me. I'll be out of town for two days. See you soonest.'
-EM
Binuksan ko naman agad yong box ng cake at napangiti ako ng makita kung ube cake yong laman, my favorite! At eto na naman ang panira ng moment na mga butterflies sa tyan ko. Anong meron at biglang nanjan na naman sila sa loob ng tummy ko? Gutom din ba kayo?
I sighed deeply. I have no idea about why I'm feeling this way, mabuti pang uuwi na ako para makain ko na 'tong ube cake. Bigla tuloy akong nagcrave nito!
"Where are we going?" tanong ko kay Ero ng makita kung nag-iba kami ng daan. "Akala ko ba ihahatid mo na ako sa bahay ko?" papunta kami ngayon sa intersection kung san makikita ang downtown.
"We're going to eat dinner first," sabi niya habang nakatutok ang mata sa daan. "I don't want to eat dinner with you!" inirapan ko siya. "Kailangan ko nang umuwi agad dahil pupunta si Jacobo sa bahay!"
Finally, after the longest week of my life, umuwi na din si Jacobo from the ranch ng kanyang mga in-laws. Natagalan daw siya dahil nagkaron pa daw ng family reunion, at kapag minamalas ka nga naman, ngayon din pala ang uwi nitong si Ero! Ang kakainis pa dun, talagang blinackmail pa niya sakin yung picture na nakinuhanan niya para lang sunduin ko siya sa airport!
Imbes na nagluluto ako ngayon ng pasta para samin ni Jacobo, hindi ko naituloy ang plano ko dahil naubos lang yong oras ko kakaantay kay Ero sa airport. 3pm siya nagtext na pumunta daw akong airport kasi andun na daw siya, pero 6pm pa pala talaga ang dating niya.
Badtrip! Pinagmukha akong tanga ng demonyitong ito kakaantay sa kanya sa airport ng tatlong oras! Sinubukan ko pa ngang umuwi na muna sana para makapagluto ng pasta, kaso hinarangan ako ng guards don sa airport at utos daw ni Ero na hindi ako paalisin. Kita niyo na kung gaano kasama ang ugali ng lalaking 'to!
"Ipagluluto ko pa ng pasta si Jacobo, and it's already 7pm!" I sighed deeply. "Dapat nandoon na ako sa bahay before 8pm because he's going to be there soon, and I don't want to ruin this dinner with him after a long time of waiting." saka ko pinag-cross yong arms ko sa dibdib ko.
"Kung nagugutom ka na, ikaw nlang kumain mag-isa. Itabi mo nalang yung kotse at magtataxi nalang ako pauwi," and this time, hinarap ko na si Ero. May sasabihin pa sana ako pero napansin kung humigpit yong hawak niya sa manibela at seryong-seryoso din ymang itsura niya.
Napalunok ako nung nakita ko yung itsura niya. 'Hindi ako dapat magpkain sa takot', paulit-ulit kung sinasabi sa sarili ko. "Ero, please," pagmamakaawa ko, "itigil mo na 'tong kotse, uuwi na ako!" Napapikit naman ako ng bigla nalang niyang ihinto yong kotse, buti nalang at nakaseatbelt ako, kung hindi ay baka nahalikan ko na yung windshield ng kotse niya sa lakas ng pagkakapreno niya.
"Will you shut the f**k up?! And can you f*****g stop talking about that guy!" sabi niya sakin. Ano bang problema ng lalaking 'to?! Bakit ba ang init-init ng ulo niya bigla tapos sakin niya ibubuhos iyon?! Wala naman akong ginagawa sa kanya ah!
"He's not just any other guy! He has a name, and that's Jacobo, kaya pwede ba--" Hindi ko na natuloy yong sasabihin ko nang bigla siyang lumabas ng kotse niya. Umikot siya at pumunta sa side ko binuksan niya yong kotse at siya na talaga mismo yong nagtanggal ng seatbelt ko.
Sobrang bilis ng paghinga niya. Ibig sabihin ay galit na galit pa din siya, pero pinipigilan niya nalang. "Ero, san mo na naman ba ako dadalhin?" mahinahon kong tanong sa kanya, pero mukhang ginalit ko lang siya lalo kasi hindi niya ako sinagot at kinaladkad niya ako papasok sa isang lobby.
Hindi ko agad napansin kung saan niya ako hinihila, basta biglang nasa harapan na pala kami ng isang malaking hotel. Hinagis naman niya sa valet ang car keys niya at saka kami nagtuloy-tuloy papunta sa elevator.