SAMANTHA "Didn't you tell me, mom, I shouldn't play rough, then why did you do that?" tanong ng anak ko. Nahilot ko ang sintido ko, ang hirap ipaliwanag sa batang maliit sa harap ko ang tagpong naabutan nito. Sure na kapag sinagot ko ito ay may follow up question pa ito. "Ah kasi anak, hinabol ko siya kaya tumama ang noo niya sa d'yan sa corner," palusot ko. "But why are you holding a gun in your hand?" tanong pa nito. "Pinulot ko kasi nahulog ng tumakbo itong lalaking ito," turo ko kay Dale sabay abot ng baril na hawak ko dito. "It make sense," tumatango na sagot ng anak ko kaya nakahinga ako ng maluwag. "So Mister policeman, why are here?" baling naman nito kay Dale na isiniksik sa likuran ang baril ko. Nanliliit ang mga mata na bumaling ako dito. Meaning kilala siya ng anak ko a