SAMANTHA "Ang sarap pala kumain doon, daddy," sabi ni Sabrina sa ama habang pauwi kami. Heto at sa sasakyan ni Dale kami sumakay at iniwan ko sa mga tauhan ko ang kotse ko dahil hindi na humiwalay si Sabrina sa ama simula kanina. "Kakain ulit tayo doon anytime na gusto mo," nakangiti na sagot ni Dale. Hinayaan ko lang mag-usap ang dalawa at nanatili akong tahimik habang tila 'di nauubusan ng topic na pag-uusapan ang mag-ama. "Mom, are you okay?" tanong ni Sabrina sa tabi ko. "Yeah, inaantok lang ako, anak," dahilan ko dahil nakapikit ako na nakasandal sa back rest. Ayaw kong mag-mulat ng mga mata dahil maya't-maya na lang kung sulyapan ako ni Dale sa rare mirror habang nagmamaneho ito bagay na kinaiinisan ko. "After you take a bath, matulog ka na, Sabrina," sabi ko sa anak ko ng m