SAMANTHA Pinanlakihan ko ng mga mata si Dale kaya natigil ito sa dapat sana ay gagawin nito. Umarte ako na masakit ang ulo ko kaya matinding pag-aalala ang nakita kong bumalatay sa mukha nito. "Kasalanan mo ito eh, kung 'di mo ako biglang sinigawan hindi sana biglang sumakit ang ulo ko," maarte na sabi ko. "Ikaw kasi, kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig mo. Sorry na," sabi nito habang panay ang haplos sa likod ko. "Ngayon ka pa nag-so-sorry eh masakit na ang ulo ko." Natawa ito sa narinig na sagot ko pero dahil nagda-drama ako hinayaan ko muna siyang pagtawanan ako dahil kapag sumagot at kinurot ko siya sigurado akong malalaman niyang uma-arte lang ako para hindi niya ituloy ang bantang parusa niya sa akin. Seryoso naman kasi niya sa buhay. Masyadong old fashioned na akala mo si