SAMANTHA Lumipas na ang twenty four hours na wala pa rin malay si Dale. Mahigpit na hawak ko ang kamay nito habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Para lang siyang natutulog ng mahimbing na tila 'di alintana ang sakit at tama ng bala na muntik ng kumitil sa buhay nito. "Mommy," tawag ng anak ko na nakapasok na pala dito sa silid ng hindi ko namamalayan. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ng anak ko kung bakit ang tagal umano magising ng daddy niya at kung kailan ito gigising talaga. Naka-ilang balik na kasi siya dito kaya heto daig pa niya ang pulis kung mag-imbestiga. "Magigising din si daddy, don't worry. Kailangan lang niyang matulog para makapag-pahinga siya. Napagod kasi siya dahil nakipaglaban siya sa mga bad guy na kalaro natin kahapon," paliwanag ko. "Oh, nag-cha