Chapter Twenty Two "Hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig?" Para kay Mark Joseph (Leo sa cover), ang pawis nagmumula sa katawan. Ang luha ay kapareho rin nitong nagmumula sa katawan. Ang dalawang ito ay tumutulo sa tuwing ang tao ay nakararamdam na ng pagod. Kaya't di baleng mapagod, basta para sa mahal mo, kakayanin mo. -Author Leo NAGISING ako nang tumunog ang alarm clock ko. Alas sais na ng umaga at nakayakap pa rin siya sa akin. Naalala kong may pasok pala siya. "Lara," tinapik ko ang pisngi niya. "Uuhhhmmm," mas sumiksik pa siya sa tagiliran ko. "Alas sais na," sabi ko. Napabalikwas siya ng bangon. "Huh? Totoo? Jusko malelate na ako," bumangon siya at pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Bumangon na rin ako at nagbihis. Ang sakit n