Chapter 32 "Kailan ka huling nagpakatanga sa pagpili? Kailan huling nagtalo ang puso at isip mo? Kailan ka huling nagsisi? Kailan?" Lara PAGBALIK ko sa kama ko ay natulog akong muli. Naramdaman ko naman siyang yumakap sa akin mula sa aking likuran. Humahalik pa siya sa braso ko pero hinayaan ko na lang. Hindi niya muna pwedeng malaman na nagdadalang tao ako kung sakaling kompirmado na. Hindi pa ako handa para dito dahil kasisimula ko pa lang sa trabaho ko. Hindi pa rin ako handang sabihin kay nanay at sa mga kapatid ko at lalung lalo na kay Leo. Magiipon lang muna ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanilang lahat at hindi pa iyon ngayon. Kailangan ko munang makumpirma. NAGISING ako mga bandang alas syete na ng umaga. Wala na siya sa tabi ko. Nagkusot ako ng mga mata at nagpusod