Chapter 30 "So close yet so far. This hurts." Lara MAHIGIT isang buwan na nang mailibing si tatay. Mahirap tanggapin pero kailangan naming maging matatag para sa isa't isa. Wala na akong balita sa pag-aaral ko. Gusto kong magpalit ng simcard pero nandito lahat ng contacts ko sa school. Blocked na sa akin si Leo kaya hindi niya ako makokontak. Mahal ko pa rin siya at hinding hindi siya maaalis sa puso ko. Gusto ko lang siyang makalimot sa akin kaya ako na mismo ang gumagawa ng paraan para doon. Pero hindi ko siya magagawang makalimutan. Kailanman. Sa paglipas ng araw ay lagi ko siyang naaalala. Naalala ko pa yung mga panahong lagi akong nagdudulot ng disgrasya sa kanya tuwing inuutusan niya ako. Sa malayo ko lang siya natititigan dahil pag malapitan ay jusko... hindi ko kakayanin an