Chapter 34 "Pag nadapa ka, bumangon ka. Kapag nadapa ka ulit, syempre bumangon ka ulit. Kapag nadapa ka na naman, wala kang choice kundi bumangon. Kasi pag hindi ka bumangon, mananatili kang nakahandusay sa lupa. Paano ka maglalakad? Paano ka lalaban? Paano ka aahon? Kaya't tumayo ka. Bangon lang," Mema. Leo PAGKAKITA ko pa lang sa kanya mula sa salamin ay gusto ko nang pumasok at gisingin siya dahil parang napakaimposible lang na nakikita ko siya ngayong walang malay at tanging mg tubo lang ang sumusuporta sa kanya. Ginawan na ng solusyon ng mga doctor ang nangyari sa kanya. Mula sa likod ng sasakyan ay nabunggo sila ng kotse na pagmamay-ari ng baguhang driver. Ayon sa report ay nagaaral pa lang itong magmaneho kaya naging peligro ang dulot ng kanyang katigasan ng ulo. Inako naman