Nakatulog agad si Camilla pagkalapat niya ng likod sa kama. Sa kanyang paghimbing ay may isa namang nilalang na hindi man lang dalawin ng antok. Ngayong tapos na ang lahat at kokorona na napiling hahalili sa hari ay mukhang tapos na rin ang trabaho niya na bantayan si Camilla. Sa nakikita niyang kakayahan nito ngayon at lakas ng kapangyarihan ay mukhang siya pa ang puprotekta sa kanya kapag nagkataon. Nasa kalagitnaan siya ng pagiisip ng biglang may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan niya naman ito at nakita si Ginoong Darius. "Paumanhin kung naabala ko ang pagpapahinga mo. Nais ka makausap ng hari kahit sandali." Aniya. "Sige po. Hindi rin naman po ako makatulog." Sagot naman nito. Nagpaalam na si Ginoong Darius at nagtungo sa ibang direksyon. Nagpunta naman agad sa silid-aklatan si Rav