Lala's POV Napakatahimik ng paligid. Napakaliwanag at para akong nakalutang sa alapaap. Isang napakasarap na pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Pero teka! patay na ba ako? Hala! di pwede yun. "Camilla!" Dinig kong tawag sa pangalan ko. Napakatinis ng boses. "Rue? Rue, ikaw ba yan? Nasan ka?" Tawag ko rin sakanya. Nakahiga ako sa isang kama ngunit hindi ako makagalaw. Sinubukan kong iangat ang mga braso ko ngunit parang may pumipigil saakin. Anong nangyayari? Nasaan ba ko? "Rue!?" Muli kong tawag sa kanya. Naalala ko ang mga nangyari bago ako napunta rito. Si Alexander at ang tatlong mga lalaking mortal. Matapos kong nawalan ng malay ay hindi ko na alam ang mga sunod na naganap . May nakita akong pulang liwanag bago nagblanko ang lahat. Naramdaman ko pang p