"So, how's the feeling, Parekoy?" nakangising tanong ni BN sa kaibigan na parang idinikit na sa balikat ng asawa. "Ay, ikaw naman, Boss. Kailangan pa bang itanong iyan?" tuloy ay tanong din ni Agatha sa asawa. "Yes of course, my pearl. Dahil makaraan ng tatlong taon ay ngayon ko lang ulit nakitang maliwanag ang mukha ng pilotong ito. Kung alam ko lang na dito pala sila sa MARGARITA magkakaayos ay noon ko pa sana isinuhestiyon ang kidnapping plan," tugon niya rito bago muling binalingan ang mag-asawa. Well, plano naman talaga nilang tatlo nina OC at FC ang kidnapping plan. Kaya't laking pasasalamat niya dahil epektibo. Kaso mukhang nalunok yata ng mag-asawa ang kani-kanilang dila dahil bukod sa pangiti-ngiti lamang ang kulukoy nilang kaibigan ay para pang idinikit ang braso nito sa asawa