Nasa bungad pa lamang siya ng chapel ay lumuhod na si Allick Francisco. Nakaluhod siyang nagtungo sa pinakaharap ng chapel kung saan naroon ang imahe ni Papa Jesus. Inaamin niyang hindi siya santo ngunit alam niya ang manalangin sa Amang lumikha. Dahil naniniwala siyang wala ng ibang makakatulong sa kaniyang asawa sa oras na iyon kundi ang Panginoong Diyos. Siya ang bukod tanging makapangyarihan sa lahat ng may kapangyarihan. "Dear Lord, Your Word says that You will give us the desires of our heart. So, Lord we thank you for granting our desire having another child. Right now, I am praying for my wife safe delivery because she is labor room, in Jesus Name. And I'm begging you to touch her by your miraculous hands. I will cast all anxieties on You because You care for everyone. So please,