Jullia's Point of View
Akesia and Henry went to the conference room with the Police Chief at naiwan naman kami dito sa lobby. Hindi kasi pumayag ang ibang nasa gobyerno na lahat kami sa iisang lugar since it's going to be eye catching sa mata ng mga kalaban namin. Also, hindi pa rin namin sigurado kung sino sa kanila ang totoong kalaban at kakampi.
Hindi naman sa pinagdududahan namin lahat sila pero kaduda duda naman talaga sila e. I mean, oo, may iisa nga kaming kalaban pero hindi pa rin naman namin alam kung may mananabutahe sa amin o kung may spy man ang kalaban namin.
"Ah, bakit pa nila tayo pinasama kung hindi rin naman nila tayo papapasukin sa loob ng conference room? Anong akala nila sa atin? Side kick?" Inis na sambit ni Yana at humalukipkip.
Nagkibitbalikat naman kami at hindi na lang nagsalita. Well, we don't mind. At least hindi kami mahihirapan makipagbatuhan ng salita sa kanila.
"Ayaw n'yo no'n? Hindi tayo mahihirapan," I said and give them a meaningful smile. "Alam n'yo naman na ang iba sa politician e pera ang inaalala kaya baka mamaya may magawa pa tayo." I added.
"I agree. Hindi natin alam ang ugali ng mga politician kaya naman mas okay na manahimik tayo," Sambit naman ni Kass at sumandal sa sandalan ng sofa. "Also, knowing you Min and Yana, for sure both of you will lost your cool."
"Wow, kami lang? Baka nga ikaw ang mauna e," Buweltahe naman ni Yana.
Nag-asaran naman kami at siguro dahil na rin sa ingay namin ay nakatanggap kami ng masasamang tingin. Pero kanina ko pa naman napapansin ang mga masasama nilang tingin at ngayon lang mas lumala since umingay kami.
"Hindi ko talaga gets ang utak ng mga tao," Min complained.
"So do I. Ano bang ginawa nating masama sa kanila at kung makatingin sila ng masama sa atin e akala mo napatay natin isa sa family nila." Yana added.
Nagkatinginan naman kami ni Kass at mahina kaming natawa kaya naman tumaas ang kilay nilang dalawa.
"Anong nakakatawa?" Yana asked while raising her eyebrow.
"You said that you won't lose your cool?" Kass teased as she smirked.
"Ah, our bad." Min admitted and we laughed.
Mukha atang nainis na sa amin at hindi na nakapagpigil ang isang babae kaya naman lumapit na ito sa amin at nagsalita. "Hindi po ito parke para tumawa kayo ng malakas. Nakakadistorbo po kayo sa mga nagtatrabaho." Inis nitong sambit.
Napataas naman ang kilay ko at tumingin sa paligid. May iilan na halata ang inis sa mukha nila, may iilan naman na sinasamaan kami ng tingin, tapos ang iba naman ay walang pakialam.
"Wow, how do you say so?" Yana asked and seems like she's provoking this girl.
"Your group's voice were too loud," the girl said and we looked at each other.
"Too loud? Naririnig n'yo ba from your sound proof work cubicle?" Sambit naman ni Min at nag crossed arm. "Miss," tawag pa nito at saka tiningnan ang babae. "Hindi namin alam kung bakit ka naiinis sa amin pero alam ko na kakalabas mo ang sa cubicle mo. I can remember kung sino ang madalas at madalang lumabas sa cubicle since I'm obseving your group." She added.
"You..."
"Pwede ba, Rose huwag kang mag-eskandalo dito." Dinig naming sabi ng isang babae na kakarating lang. "Halos lahat na lang ata kinaiinitan mo. Ano bang akala mo? Makakakuha ka nang mataas na posisyon by just doing this?" the other girl added.
Hindi ko alam pero feeling ko namemersonal na ang babaeng ito pero deserve naman ng Rose na iyan ang sinabi nitong si ate girl.
"Huwag ka makialam Marina," Inis na sambit ni Rose.
"At bakit hindi? Do you even know who these girls is? Alam mo ba ang dahilan kung bakit nandito sila? Ah, let me tell you, the President asked for their presence here, in this government office." Marina said.
Nagbatuhan pa ng kung ano anong masasakit na salita ang dalawa pero wala kaming paki. Nakikinig lang kami. Sarap pala manood ng ganito? Yung makikita mong may nag-aaway sa harapan mo at ang kinaiinisan mo ay halatang natatalo an sa batuhan ng salita.
After few minutes ay sumuko na rin si Rose at sinamaan kami ng tingin saka umalis. Nag-sorry din naman si Marina sa amin dahil sa inasta ni Rose. Wow, after ng mga sinabi ni Rose e siya pa ang nanghingi ng pasensya. Ang bait naman pala ng isang ito.
After ng warning ni Marina sa cubicle work section ni Rose ay hindi na rin nila kami pinansin. Mukhang mas mataas ang katayuan ni Marina sa lugar na ito kaysa kay Rose.
"Feelingera pala iyong Rose na iyon e," Inis na sambit ni Yana.
Napangisi naman ako, "Based sa batuhan ng salita nila ay hindi nakuha ni Rose ang promotion na dapat sa kanila. Instead, napunta ito kay Marina." Sambit ko naman.
Ngumiti naman si Kass, "Mabuti na lang at napunta sa mabuting kamay ang promotion na iyon dahil kung hindi? Naku, baka nagkaroon na ng civil war sa lugar na ito."
Nag-crossed arm naman si Yana at saka nagsalita, "Hindi ko talaga gets ang ugali nila. Bakit nagagalit sila kung hindi nila nakukuha ang gusto nila? Ang dami daming tao na walang wala tapos sila na meron kung maka-asta akala mo eh walang wala."
Min lean her back and said, "Well, iba iba ang ugali ng tao at hindi naman natin pwede sabihin sa kanila dapat nilang gawin." and she paused, "May sarili silang utak."
At dahil ayaw na rin naman namin nang gulo ay hindi na rin kami nag-ingay. Hindi naman sa natatakot kami, sadyang ayaw lang namin ng abala sa amin.
After three hours ay nakita na rin namin ang anino ni Henry at Akesia and they both looked stressed. Hindi na muna kami nagtanong sa kanila dahil alam namin na confidential ang sasabihin nila. Common sense naman di ba? Sinundan na lang namin sila palabas ng building and paglabas na paglabas napayuko na lang kami kaagad dahil may bigla kaming narinig na sumabog.
After noon ay naramdaman namin na may mga nagsibagsakan na mga parte ng salamin at sa hindi kalayuan sa amin ay may isang buong salamin na bumagsak. We tried to keep our calm since this time we should do that. I looked around and saw how the other building destroyed at the same time may mga kotse din na nagsisabugan sa harapan namin kaya naman hindi namin maiwasan na hindi mapatakip ng mukha sa usok at the same time sa init ng paligid.
Parang nawala ang pandinig ko habang tinitingnan ko ang nangyayari sa paligid ko. Sumasabog na kotse, nagtatakbuhan at nagkakadarapaan na tao, umiiyak na bata, mga sugatan, katawang nakakalat, gumuguhong mga gusali.
"Jullia!"
kaagad naman akong napatingin sa tumawag sa akin at nakita ko si Akesia na nag-aalala.
"Thank goodness bumalik ka rin sa katawan mo." Yana added.
"What the heck is happening?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi pa namin alam pero sa tingin ko na may nagtanim ng bomba sa lugar na ito," agad naman na sabi ni Kass at sinusubukan na tawagan si Mark. Nakita ko kasi name ni Mark. "Hey, lalaki, we need you here..."
Hindi ko na narinig pa ang usapan ni Kass at Mark sa cellphone at tumingin na lang ako sa paligid. Napatingin naman ako sa isang gusali na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan namin at nakita kong parang babagsak na ang isang buong salamin. Bigla din naman akong kinabahan nang makita ko na may isang batang umiiyak at kung titingnan mo ay kapag bumagsak ang salamin siguradong patay ang bata.
Kaagad kong ginamit ang ability ko at panandaliang pinigilan ang salamin na babagsak na saka ako tumakbo papalapit sa bata. Narinig ko pa nga ang sigaw nila Yana sa akin pero parang nagkukusa ang katawan ko sa pagsagip sa batang ito. Nang makarga ko na ang batang umiiyak ay kaagad akong tumakbo pabalik sa mga kaibigan ko. Pag-alis na pag-alis ko pa lang sa kinapu-pwestuhan namin kanina ay agad na rin bumagsak ang salamin kaya naman narinig ko ang isawan nila Yana.
"What the hell are you doing?! Bakit hindi mo ginamit--"
"Ginamit ko, Kesh, ginamit ko. Hindi ko alam pero parang limitado ang galaw ko sa lugar na ito." Inis kong sabi dahil kitang kita ko rin ang pag aalala sa mukha nila.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko rin naman na tumakbo rin si Akesia papunta sa isang sasakyan dahil may kumakatok sa loob at kitang kita ang usok na pumapasok sa loob. Kumuha ang ng isang malaking bato and I used my ability para hindi ako mabigatan sa bato at agad ko naman itong binato kay Akesia para naman hindi halata ang ability ako.
Hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa ng mga kaibigan ko since I'm with Kesia and both of us are trying to save the lady inside the care with her baby. I forced to slammed the rock that I'm holding and ganoon din ang ginawa ni Akesia. We succeed and I opened the door of the car then I helped the lady since nawalan na ito ng malay. Kinuha din naman ni Akesia ang baby and when I saw her give a sighed of relief ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko. Both of them were okay.
Dumating na ang mga medic and I gave them the lady and Akesia gave the baby also.
"Sa kaniya anak ito. Please do take care of the both of them. Parehas silang na-sofucate sa usok. Do the proper first aid for them--" Pagpapaalala ni Akesia.
"Yes, Miss. Alam namin ang gagawin namin." The guy said arrogantly.
Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya pero hinila na ako ni Akesia para makaligtas pa kami ng mga tao. Aapak na sana ako sa tubig nang hilain ako ni Akesia.
"May kuryente," she said and my eyes widen.
"We need to tell them," I said and she looked around so do I.
Nakita ko naman na may isang kotse na bumangga sa isang poste ng kuryente at dahil sa impact nito ay nasira ang poste. Kasabay nang pagkasira nito ay ang pagkaputol ng iilang live wire at sakto din naman na nasira ang isang water pipe dahilan para magkaroon ng tubig sa paligid.
"Sh*t," I cursed.
"Please! Huwag po kayong aapak sa tubig!" Sigaw ni Akesia but then because of the panic ay may iilan na napapa-apak and they just suddenly fell flat on the floor while having a seizure.
Tumakbo ako papalapit sa isang medic at nagtanong, "May megaphone ba kayo diyan?" Nagkatinginan naman sila at tinaasan lang ako ng kilay. "Huwag ninyo ako taasan ng kilay! Kung hindi kayo sasagot nang mabilis then mas marami ang mamamatay! Kayo ang sisisihin ko!" Inis na sigaw ko na ikinagulat nila.
"Miss Jullia,"
Napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin at nakita ko naman si Miss Marina. Yung babae kanina sa loob ng government office. "Miss Marina, may megaphone ba diyan? Or speaker na pwedeng gamitin? I need to annouce something," mabilis at nag-aalalang sabi ko.
Kaagad naman siyang tumango at tumakbo pabalik sa loob. Tiningnan ko ang paligid and I saw how busy my friends trying to saves the lives of other people. Siguro dahil na rin sa mga nangyayari ngayon ay wala na kaming pakialam sa isa't isa kundi ang makapagligtas ng buhay. Though nakikita ko na paminsan minsan ay lumilingon sila na parang may hinahanap.
Pagnapapatama ang tingin ko sa isa sa kanila ay napapahinga sila ng maluwag. Siguro nga ay kahit busy sila ay sinusubukan pa rin nilang hanapin ang bawat isa sa amin.
After a few minutes Miss Marina went back and gave me a megaphone. I immediately used it and yelled.
"Huwag po kayo aapak sa tubig! May kuryente po!"
Nakita ko sa gilid ng mata ko na natawa bahagya sila Yana dahil alam ko na nagulat sila sa biglang pagsigaw ko. At dahil sa paalala ko ay nag-si-iwas sila sa tubig na nasa kalye. Alam ko namang kayang kaya ni Akesia alisin ang tubig sa lugar na ito pero masyadong delikado dahil malalaman ng lahat ang sekreto niya.
Hindi na rin nagtagal ay dumating na rin ang iba pang rescuer kaya naman napaupo na lang kaming magkakaibigan sa tabi. Hindi lang pala rescuer ang dumating pati na rin pala mga taga-media. Sinikap namin na hindi mapansin pero parang agila talaga ang mga mata ng mga ito at pinilit kaming ma-interview.
Nakakainis lang kasi parang pinapalabas nila na tumulong kami para lang ma-featured kami sa telebisyon.
"First of all, I want you to apologized." I heard Henry said in one of the reporter. Take note, it's live.
"Why would I apologized?" The reporter asked.
Sa aura na naramdaman ko kay Henry ay tumayo lahat ng balahibo ko mula paa hanggang sa batok ko. Sh*t! He's pissed!
I saw how Yana tried to calm Henry down by squizing his hand but I can see no effect.
"We didn't help because we wanted to be featured in any television. First in for all, we helped even without media in this area. They needed help so we give them a hand. Ha, tumulong man o hindi may masasabi pa rin talaga kayo."
Hindi nakapagsalita ang reporter at agad naman pinatigil ni Akesia si Henry sa pagsasalita. "Sorry for that. Hindi lang kasi maganda pakinggan. Like what he said we didn't help to gain attention. E kayo? Why do you asked so stupid question? To gain an attention? A symphaty from your viewers?"
Agad din naman akong humarang kay Akesia dahil sa alam ko na pati na rin siya ay naiinis na. Ngumiti ako sa reporter at nanghingi ng paumanhin pero parang mas lalo pa ata akong nainis sa sinabi niya.
"Ugali talaga ng kabataan ngayon walang karespe-respeto. Hindi ako manghihingi ng paumanhin dahil gumawa lang naman kayo nang gulo sa lugar na ito. Kung nasaan kayo nandoon ang gulo. Mas okay ata na umalis na lang kayo sa bansang ito,"
Napayukom naman ako ng kamao pero nakita ko na naglakad paunahan si Yana. "Bakit ba ganyan ang mind set ninyo? Porque lang sumagot kami and we defend ourselves wala na agad respeto? Sino ba ang hindi sasagot sa ginawa mo, Miss? You just insult us and it did not justify the things that we did!"
"Stop," dinig naming sabi ni Mark na pilit kaming pinapakalma.
"What's your television channel?"
Napatingin naman kami sa pinaggalingan ng lalaking boses at nakita namin si President na papalapit sa amin.
Kaagad naman na napangiti ang reporter at sinabihan ang camera man niya na ibaling ang camera kay Mr. President. "Good day to you, Mr. President."
"Sa tingin mo magandang araw ito para sa lahat?" Sambit ni Mr. President at bahid ang inis sa boses nito.
Napangisi naman ako nang makita ko na pilit na napangiti ang reporter dahil sa buweltahe ni Mr. President. Ha, karma is b***h! You b***h!
"No, Mr. President. I apologized," the reporter said.
Sandali na napatingin sa amin si Mr. President at saka ito ngumiti ng totoo, "Again, I want to thank your group for what you've done today. If it weren't for the seven of you baka mas marami pa ang namatay at napahamak ngayon.
"It's our duty, Sir." Sambit naman ni Henry.
Nang makita ko na nakatingin sa akin ang reporter ay agad din naman akong ngumiti sa kanya. Kung titingnan ay parang isang normal lang iyon na ngiti but, no, that is my provoking smile.
"I asked you again, Ms. Reporter." The President said.
"Yes, Mr. President."
"What channel are you and what is your broadcast studio?"
"For all news station po channel 77," the reporter proudly said.
Kaagad naman na tumango si Mr. President at tinawag ang kaniyang secretary. The reporter gave us a smug face. Hindi ba marunong bumasa ng atmosphere ang babaeng ito? Hindi ba niya napapakiramdaman na siya ang nanganganib sa araw na ito? Ah, stupid reporter. Dumating na ang secretary ni Mr. President at kaagad naman na ngumiti nang malawak si Miss Stupid Reporter.
"From now on, the For all news station of channel 77 is ceased to exist." Mr. President declared and we almost laughed out loud for Miss Stupid Reporter's shocked expression. "Instead of being greatful for their fast response and thank them you insulted them and tried to looked like they don't have any respect. This is the consequence for your action, Miss." The President added.
For sure na maraming nakakapanood ngayon nang nangyayari ngayon. I mean, live kaya ito. Paano ko nasabi? Sinabi ni Miss Stupid Reporter kanina. Ngayon napahiya siya ng live.
"Hindi pwede!"
"At bakit naman?" The President asked.
"Sila naman talaga ang may dahilan di ba? Kung nasaan sila nandoon ang gulo!" The reporter added.
"No, miss," Mr. President paused and looked at the reporter intently. "They are not supposed to be here. They have a lot of things to do and they have an unfinished research. Do you know why they're here?"
"Of course, not! Bakit ko pa aalamin?!"
Mr. President sighed and said, "They are here because I called them. They're here because I wanted to talked to them for some matter. Now, Miss." Mr. President paused and the Secretary called for Chief Police. "This lady didn't respect me at all. Please deal with her," The President said to the Chief of Police and the Chief of Police respond.
Nanghingi nang pasensya sa amin ang Presidente at sino ba naman kami para hindi siya pansinin di ba? Baka mamaya bigla na lang din niya kami ipakulong dahil lang sa wala kaming respeto sa kanya. Kung sabagay, that is one of our country's rule. Respect the President at all cost.
When we're done we went back to our school and lay down on our dormitory's living room. Our classmates were already here so it's looks crowded.
"Ah, so tired," I said and William poked me. "What?!"
"Himala ata na hindi ka nagsalita kanina sa live?"
"Mukha ba akong nanghihingi nang atensyon?" Inis kong sabi kahit na nakapikit. "Please, don't bother me for a while. I want to rest." I added.
"Grabe din ang reporter na iyon ah. To think na nasabi niya iyon live, wow, taas ng kaniyang confidence." I heared Aurora said.
"Yeah, good think that Karma is a b***h. Bilis nang tama sa kanya," Natatawa naman sabi ni Alicia.
Hindi ko na masyado pang alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil unti-unti na akong nakakatulog nang tuluyan.