Tahimik kaming nakaupo sa sofa at napapalibutan namin ang table namin and at the top of that, the letter.
"So this is the letter that came from the organization which is addressed for the President?" Tanong ni Yana and Henry nodded his head same as mine. Then inakbayan ni Henry si Yana.
Simula noong nangyari kanina sa abandoned building, hindi na mapaghiwalay itong dalawang to. Kulang na lang ipagdikit namin sila eh.
"Ah, parang ang sakit sa mata." Sambit naman ni Min at nakatakip ang mata.
"Parang ang sarap magkaroon ng kaibigan heart breaken." Dagdag naman ni Jullia.
I gave a soft laugh because I know how hard it is for the both of them to keep smiling even though they're broken inside. I admire them for that though. It's hard to keep moving forward but they're trying their best.
"Ewan ko sa inyo! Kami na naman ni Henry ang nakita ninyo. Nandyan naman si Kesia, may love life din naman yan oh!" Naiinis na sabi ni Yana habang tinuturo ako.
"Wala naman si kuya dito eh." And Jullia rolled her eyes.
Tumagal pa ang asaran for at least five minutes dahil nagbabangayan na naman si Min at si Yana na ginagatungan naman ni Jullia. Si Henry naman ay tatawa-tawa lang dahil alam niya na katuwaan lang naman ang tatlo.
And when they calmed down, we finally go back to the topic that we have to discussed.
"Sigurado ba talaga kayo na binigay ito ng Presidente?" Tanong ni Kass and both Henry and I nod.
"Then, they know na nasa inyo ang letter?" Tanong naman ni Jullia and we nod again.
Sandali kaming napatingin kay Henry nang bigla syang nag snap ng finger nya.
"What's the matter, Ney?" Yana asked.
"What if the letter is not for the President? What if para sa atin talaga iyon?" Sunod sunod na sambit ni Henry.
"It's possible," I said, "Those what if's really is possible. Baka nga talaga para sa atin ang letter na iyan and then alam nila na pupunta kami sa President's office kaya kay President in-address ang letter." I added.
"Nabasa na ba ninyo ang laman?" Mark asked.
Nagkatinginan naman kami ni Henry sa tanong ni Mark at saka kami bumuntong hininga.
"That is the problem." Henry blurted.
"What's problem?" Nagtataka namang tanong ni Yana.
"Hindi naman ata nawala ang ability ninyo na magbasa." Pang aasar naman ni Min.
I crossed my arm and said, "See it for yourself, then."
Kinuha ni Yana ang letter at inilabas ang isang papel sa cover na ginamit nito at napakunot naman ang noo niya nang makita nya ang laman. Ibinalik nya ang letter sa lalagyan at itinapon ang letter ulit sa table.
"I think I know what this two leaders of ours thinking." Yana said.
Dahil magkakatabi lang sila Mark, Kass, Jullia, at Min tiningnan nila ito sabay sabay.
"I think, I know what this letter meant." Mark said and we all looked at him.
"Now, I know why you're at mission team. I think, this is your forte." Kass said with a soft smile on her face.
Makikita mo talaga sa mukha niya na mahal na mahal niya si Mark kahit na palagi silang nag-aaway. Hindi naman talaga totally away, kundi iyon na ang lambingan nila eh.
"I think nakita ko na ito sa isa sa mga movie na napanood ko." Sambit naman ni Jullia at nag isip. "Sinabi doon kung anong tawag sa ganito eh... Wait, nakalimutan ko eh."
"Steganography." Agad na sambit naman ni Min, "Well, I just heard about it before. Hindi ko naman alam ang tungkol 'dyan eh."
"It is used to hide a message under the message. Hindi iyan ang tunay na tawag. The sender used an invisible ink and we have to find a way for us to read it." Sagot naman ni Mark.
So, hindi steganography ito.
Sinubakan ni Mark na itapat sa ilaw pero wala pa rin, then nag sindi ng kandila si Jullia and doon naman tinapat ni Mark per owala parin. Marami na ang way na sinubukan namin and we all sighed in the end dahil walang ni isa sa mga sinubukan namin ang gumana.
"I guess we need an ultraviolet light." Sambit ni Mark at tumayo siya papunta sa cabinet ng mga mission team na pinasadya naming ilagay sa loob ng research club namin.
I can feel Mark's longing for his member. Well, for him they're like his brother and sister. To think na siya na lang ang natira sa grupo nila, I know it hurts him so much. Kahit na itago niya pa iyon sa iba, hinding hindi niya ako maloloko.
I remember him begging me to not to tell everyone about him.
"Anong problema, Mark? Bakit gusto mo 'ko makausap?"
"Kesia, I have a favor to ask you."
Tumango naman ako, "Sure, basta kaya ko. What is it?"
"If ever na maramdaman mo man ang mga nararamdaman ko, can you please keep it to yourself? Don't tell it to anyone. Specially, kay Kass. I know she's worried about me but I also know that she's now not in her right condition para dagdagan ko pa ang worries nya. Nawalan na naman tayo ng miyembro and if ever, me- the last member of mission team will die, can you please look after all?"
Sandali akong napatigil sa sinabi nya at kumunot ang noo ko, "What are you talking about? No, you will live and no one will die. Not until I die. Hindi ko hahayaan na malagasan na naman tayo." Desidido kong sagot sa kanya.
Pero kahit na sinabi ko sa kaniya iyon ay ramdam ko pa rin na ready na siya sa mga mangyayari.
"If ever lang naman, Kesh. I know na hindi mo iyon hahayaang mangyari sa pangatlong beses."
"Hindi talaga."
"Hey, you two! What are you talking about?"
Napatingin naman ako sa dumating at nakita ko si Kass na nakataas ang kilay sa amin. Tumawa lang ako ng mahina at pi-nat ang balikat ni Mark saka umalis. Nang malampasan ko si Kass ay tinulak ko siya kay Mark.
"Masyado ka namang selosa." Natatawa kong sabi dahil nasalo siya ni Mark.
After nang mangyari iyon hindi na kami nag usap pa ni Mark ng palihim. Syempre para naman wala silang akalain sa amin. Mahirap na baka mamaya magka-tamang hinala si Kassey sa amin at masira pa ang friendship namin. Duh~ ayoko nga.
"Bakit meron kang ganyan?" Tanong ni Kass.
"I'm part of the Mission team, right? This is just one of our tools that we use in our mission." Sagot naman ni Mark, "Since ako na lang din mag isa sa team dinala ko na lang dito lahat ng mga gamit namin. Wala namang masama di ba?"
Lahat naman kami umiling. Of course, makakatulong sa amin ang gamit ng mission team kaya nga nang makapag-decide kami na hindi na kami maglalagay ng mission team ay idinala na dito lahat ni Mark ang mga gamit nila.
"Speaking of, may kumausap sa akin na classmate natin kanina. Sabi ni Min.
"Sino?" Tanong naman ni Jullia.
"William." She said and I can feel her anger.
"Anong problema kay William? Bakit parang galit ka sa kanya?" This time si Henry naman ang nagtanong.
Naging kaibigan na rin naman kasi ni Henry si William. Noong wala pa kaming ranking, si William ang isa sa mga kasa-kasama ni Henry.
"That guy is a jerk." At humalukipkip naman si Jullia.
Tumaas naman ang kilay ko at ngumiti, "What? Are you now having a relationship with him?"
"Hell, no, sister in law." At umirap naman siya sa akin. "I won't fall for that guy. Instead, he was mad at me for the reason na hindi na natin pinayagan na magkaroon ng mission team! Like heck! We just don't want them to die here, after all hindi natin alam kung gaano kalakas ang kalaban natin."
Tumango naman ako sa sinabi ni Jullia. Well, tama naman siya. Hindi naman namin ginusto na magkaroon ng ganito kalaking kalaban pero hindi na rin siguro maiiwasan dahil sa mga naging ambag namin sa mundo.
"Ney, isn't he one of your friends?" Tanong ni Yana at tumingin kaming lahat kay Henry.
Henry nods his head, "He is. I know why he's mad. Isa kasi siya sa makakapasok sa mission team kung sakaling hindi natin pinigilan si kuya Jared. Nagkita na rin kami noong isang araw and he punched me."
"He what?!" We exclaimed, lalo na si Yana.
"Kaya ba may sugat ka sa labi noong nakaraan?" Tanong ni Yana.
Tumango naman si Henry, "Yes, but before that, let's solve his first. I-e-explain ko sa inyo lahat ng nangyari." At tumingin sya kay Mark, "Ready na ba iyan?"
Tumango naman si Mark at pinakita sa amin ang isang maliit na flourecent at nang buksan niya iyon ay naglabas ng kulay blue na ilaw. Parang dati lang nakikita ko ito sa mga palabas but now, nasa harapan ko na.
"This ultraviolet light was developed by Althea's team." At tumingin siya sa akin saka ako tumango dahil alam nila na friend ko si Althea. "It's an advance one. Bukod sa mababasa natin ang nakasulat ay pwede din natin makita kung may iba pa bang nasa papel."
Kaagad kaming pumalibot sa coffee table namin at doon naman nilatag ni Min ang papel na binigay sa amin ni Mister President na pinadala sa kanya.
"Wait," Sambit ko at napatingin sila sa akin, "I don't think that this will make sense but," I looked at them one by one, "I don't trust the President anymore."
Kumunot naman ang noo nila but after a moment ay tumango naman sila saka sumang-ayon sa akin.
"I agree, if ever this letter if for him and he's interested in it, knowing that it was came from the organization..." Yana said and she just blunt out my thought.
"I think alam na nang President na this letter is for us and not for him. Also, baka alam nga rin niya kung sino nagpadala nito." Sambit pa ni Min.
"Hindi lang iyon." Pakikisali naman ni Henry, "Kung hindi niya alam at wala siyang kinalaman hinding hindi niya ito ibibigay sa atin. He had the whole foreignsic team, he had the power para gawing priority ang letter na ito but he didn't do that."
Tumango ako, "Kaya nga nagtataka ako kung bakit niya ito ibinigay sa atin." Sabi ko pa.
Bigla naman bumundol ang kaba ko nang pumasok sa isip ko na kasapi ang pinaka-mataas na namumuno sa baansa namin sa organization. What if...
Okay, calm down, Akesia. You'll know it soon enough.
Nang itinapat ni Mark ang UV light sa unang pahina nang papel ay lumabas nakita namin ang mga letter na nakapaloob sa boxes. Forty-two boxes with a letter each inside it. Tapos may mga naka-bold na letter. Then may clue na nilagay for their message.
CLUE:
BBDAAAAAAC EEDB CEDADCAE BDCACCCEDAEBCABD ACFD EEEC
Napatingin ako sa mga kaibigan ko at nakita ko naman ang mga ngiti sa mukha nila na halatang nag e-enjoy sa thrill na binibigay ng kalaban namin. Mga baliw na ba ang mga ito at mukhang pinagkakatuwaan pa ang pagpapahirap sa amin.
"Wow, mukhang gusto din ata nila na pasabugin ang utak natin eh." Natatawang sambit ko.
"Kahit nakakasabot ng utak eh nakaka-excite pa rin. Aminin!" Sambit naman ni Yana.
Napangiti naman ako. Well, okay, aaminin ko na-eexcite din naman ako sa mga ipapa-solve sa amin pero nag-aalala din at the same time. Hindi kasi namin alam kung anong mangyayari once na ma-solve na namin iyon.
ps.
QEB YLJY TFII BUMILAB FK PBSBK AFCCBOBKQ MIXZBPZEFIAOBK MIXVDOLRKA, CLRO JXIIP, XKA QBK MRYIFZ MIXZBP
pps.
three steps forward.
Sa unang papel pa nga lang nawala na ang ngiti namin paano pa kaya sa susunod na papel? Sa amin si Mark na lang ang nakangiti eh, well, pati rin si Henry.
Nagtataka talaga ako kung paano ko nakuha ang rank two eh ito ngang feeling ko simpleng solving lang ng mga cryptogram hindi ko pa magawa, ang utak ko ata kinalawang na amp.
Sa next na papel nakita namin na may naka-drawing doon at ang mga iyon ay parang four pic, one words na sobrang hirap sagutan!
"Parang sumusuko na ata ako." Sambit naman ni Yana at nakahawak sa ulo.
Ginulo naman ni Henry ang buhok ni Yana, "That's easy."
"Yup." Agad naman na sagot ni Jullia.
"That's easy, that's easy kayo dyan. Eh nawala na nga ang ngiti nyo kanina eh." Agad naman na sabi ni Min.
"Well, dahil iyon sa nakasulat sa letter. Gusto nyo malaman?" Nakangiti namang sabi ni Kass.
"Na-solve nyo na?" Gulat na sagot ko. "Feeling ko talaga ang bobo ko pag kasama ko kayo." Dagdag ko pa.
"I feel you, girl." Sambit ni Yana.
"Same." Dagdag pa ni Min.
At ang mababait naming kaibigan tinawanan lang kami pero kaagad din naman na nawala ang ngiti sa kanilang mga labi.