Napanganga na lamang ako nang makita namin ni Marvin kung anong klaseng resort ang ticket na binigay sa amin ni Jullia. Alam namin na pagmamay-ari 'to ni George—no, I mean ng pamilya n'ya pero 'di naman namin akalain na isa pala 'tong five star hotel. "Sure ka ba na hindi nagkamali ang kapatid ko sa binigay n'ya sa 'yo?" tanong ni Marvin habang nakatingin sa akin. "I don't think so," kaagad ko naman na sagot. "Her boyfriend is rich, really really rich." "That man?" Napatingala naman ako kay Marvin. "Hindi mo ba alam na mayaman 'yung lalaking 'yun? I mean, he's a member of a chaebol family here in our country. Their business are not just here but in the other country as well," kaagad ko na paliwanag. "Alam ko na mayaman s'ya," gulat na sabi ni Marvin. "'Di ko lang inakala na ganito,"