FLOWERS FOR HER "WHAT'S the matter wrong with you, Aries Dale Cameron Harden? Did I say funny thing?" Ah! Ang lintik niyang pamangking kaedaran ay pinagtatawanan siya! Aba'y jung alam lang sana niyang ganoon ang reaksyon nito ay hindi na niya ito tinawagan. Makikita ng luko-luko! Bibilinan niya ang mga guards sa mansion nila sa magkabilang partido upang huwag itong papasukin! Hah! Ano ito sinusuwerte?! Kaso! "No other than you, Uncle Lewis Roy. My best friend and partner in crime. Ikaw at wala ng iba ang nakakatawa. Alam mo kung bakit? Kasi sa guwapo mong iyan, sa yaman, pinag-aralan, all and all you're a good catch. Pero pagdating sa pag-ibig isa kang dakilang torpe. I'm not going to say sorry for the words dahil gusto kong mauntog ka kagaya ng lagi mong sinasabi sa akin dati. Ano'ng