LUMIPAS pa ang mga taon sa kani-kanilang buhay. Nagsipag-asawa na rin ang lahat o ang mga anak nina Darlene at Lewis Roy. Si Victor Lewis na isang Navy ay napermi sa Manila bilang Chief Of Air Force Base. Ngunit ang asawa ay isang guro na tubong Baguio. Kaya't madalas pa ring itong uuwi lalo na kapag weekend. Talaga namang pinarami nila ang mga Calvin. Apat na barako ang naging supling. Ang kapwa VL o si Venson ay nanatiling piloto ng Camp Villamor. Madalas din nasa war zone lalo na kapag humihingi ng tulong ang Camp Panacan ng Mindanao. Ang masuwerteng nakasungkit sa puso nito ay pamangkin ng hipag nilang kaedaran ng ama o si Clarizza Antoinette. Anak ng retired General Surgeon Francis Timothy sa San Fernando La Union. Subalit sa Baguio General Hospital nagta-trabaho bilang residence doc
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books