NAIS sanang ipaalam ni Darlene na gising na siya. Subalit nang napagsino ang nagsasalita sa tabi niya habang hawak-hawak ang mga palad niya ay ninamnam na lamang ang pagmamahal nito. 'Ano kaya ang ginagawa niya rito? Sa pagkakaalam ko ay nasa Paris siya?' tanong tuloy niya sa sarili. Kamuntikan pa siyang mabukong nagtutulogtulugan dahil halos dumikit ang palad sa kamay nito. 'Sana ay magising ka na, babe. Dahil miss na miss na kita. I love you so much, my one and only amazonang leonang nagkatawang-tao,' sabi pa nito. 'Huh! Gaano ba ako katagal na natulog? Ang huli kong natatandaan ay ang pagbagsak ko sa malapad na bato. Pero teka... Tama! Silid ko ito ah---Anak ng sampung kalabaw eh!' Hindi tuloy siya nagkandatuto. Sasabihin na nga sana niyang nakabalik na siya sa katawang lupa niya s