"MISS Smith, hindi puwede ang nais mo. Dahil ang buong pagamutan ang mapapahamak. Kaya't huwag mo itong ipagpilitan," mariing pagtutol ng hospital director. "Kaya nga po ako pipirma sa waiver na iyan, Doctor. Tama, may tama ako pero buhay na buhay. Kaya't sige na, Doctor." "No, Hija. Kahit ano man ang sabihin mong rason ay parehas lang ang sagot ko---" Kaso hindi na iyon pinatapos ni Darlene Faith. "Okay, fine! Sige, Doctor. Hindi ako maaring aalis dahil may sugat ako. Pero kaya ba ng konsensiya mong ibang buhay na naman ang mawala dahil sa nga lintik na ganid sa pera at kapangyarihan? Ah, ayaw mo akong paalisin kahit may waiver dahil kasapi mo sila ano? Mukhang hindi ka taga-rito eh. Kami ngang naka-deployed lang dito sa probinsiyang isinumpa ay alam na alam namin ang likaw ng kanila