Sa mundo ng politika, walang maililihim. Kagaya ng pagkaka-aresto ng gobernador ay naging maugong. Nakarating agad sa magkabilang partido. "Tsk! Tsk! Paano na iyan, Mayor? Nahuli na si governor, tuloy pa rin ba ang mga operasyon?" Hindi malaman kung iiling ba o magagalit ang isa nilang kasamahan sa illegal na gawain. "Natural matutuloy ang lahat with or without governor. Paano kasi masyadong tuso," paismid namang tugon ng mayor. Tuloy hindi naiwasan ng isa pang membro o ang Sangguniang Panlalawigan ang sumabad sa usapan ng dalawa. "Aba'y sa tuno ng pananalita mo, Mayor, mukhang natutuwa ka pang nawala este nakulong si governor? Tama ba ako?" Nakangisi nitong panghuhuli. Subalit aamin man ito o hindi ay nasagot na ang katanungan na iyon. Sabi nga nila sa English ay ACTION SPEAKS LOU