Nakayuko lang ako habang hindi binitawan ang kamay ni Drix. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Hendrix ngayon, pero sinisigurado kong hinding-hindi niya basta-basta makukuha ang anak ko sa akin, kahit wala akong laban kung sakali man na mag-file siya ng custody. Kahit pa nakalagay sa birth certificate ng anak ko na unknown ang kaniyang ama. Hindi pa gumigising si Drix pero alam kong malapit na itong magmulat ng mga mata. Kinakabahan ako sa maaring maging reaksyon niya kapag nakita niya ang kaniyang Daddy. Tumikhim si Hendrix pero takot akong tumingin sa kaniya. Wala akong lakas ng loob na tingnan ang mga mata niyang galit na nakatingin sa akin. "Nasaan iyong mga kailangang bayaran?" "Bayad na..." sagot ko gamit ang mahinang boses. "Alam mo'ng kaya kong bayaran ang bills ng anak