Pinipigilan ko ang sarili ko na mapahagulgol. Ayaw kong ipakita sa aking anak na sobrang helpless ako. Gusto kong ibigay ang lahat sa kaniya pero wala akong kakayahan para ibigay ang lahat ng iyon. "Iyong isang kuwarto, doon na lang kayo magkuwarto," sabi ni Tita sa amin. Baka kay Drix lang dahil ayaw ni Hendrix na narito ako. Hindi naman niya ako responsibilidad na patirahin dito dahil lang may anak kami. Pumasok kami sa kuwarto na tinuro ni Tita. Mayroong komportableng higaan na kinatuwa naman ni Drix. Nang mapatingin siya sa akin, para bang nakonsensya siya. Tinago niya ang galak sa kaniyang mukha. Ngumiti ako. Pinakita ko na masaya ako para sa kaniya. Masaya ako na masaya siya. Hinayaan ko na muna sina Tita at Drix sa kuwarto. Naupo ako sa tabi ni Ranna. Agad naman niya akong niy