At hindi lang sina Ranna at Tita ang narito. Nandito din si Dina. May mga dala pa siyang pasalubong para sa anak ko. "Kumain na tayo," aya ni Hendrix sa mga kasama namin. Dumulog din sa mesa si Dina. Feel at home na feel at home siya. Ako naman ay nakaramdam ng pagkailang. Pakiramdam ko ay nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali. Bakit ko ba nakalimutan na mayroon ng nobya si Hendrix? Dapat kahit magdikit ang mga balat namin ay hindi ko hinahayaan. Nag-uusap sina Dina, Ranna at Hendrix patungkol sa work. Mas lalo pa tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. I feel like I don't belong. Siguro dahil na din sa aking status ngayon, hindi na mayaman, hindi nakapag-aral at wala ding maayos na trabaho. Habang kumakain, tumunog ang aking celphone. Text ito galing sa wedding coordinator na n