"Nag-lunch ka ba kanina?" tanong niya nang lumayo ako sa kaniya. Pero hindi din gaano makalayo dahil hawak pa din niya ang kamay ko. Ayaw niya akong bitawan kahit ano'ng gawin kong hila. Ayaw niya akong paalisin. Bakit ba siya nakikialam sa buhay ko? At bakit ko siya hinahayaan na pakialaman ako? "Mag-lunch na muna tayo," aya niya. Hindi ako nagugutom. Kung nanginginig at nangangatog man ang katawan ko, iyon ay dahil sa matinding galit. Nanginginig ako dahil hindi ko maibuhos ang galit na nararamdaman ko. Hinila niya ako. "May kainan sa gilid ng SM," sabi niya. Bakit hindi sa loob ng SM? Pero hindi na lang ako nagsalita. Nagpatianod ako sa paghila niya. Napakurap ako nang makita ko ang kainan na tinutukoy niya. "Gusto ko sa jolibee," sabi ko. "Sakto lang ang pera ko," sabi niya.