Hindi ko maitago ang kilig sa aking mukha. Nakatayo ako sa harapan ni Hendrix. Hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. He likes me. Naupo siya sa sofa sa gilid kaya tumabi din ako sa kaniya. Dumikit ako at wala akong pakialam kahit hindi siya komportable. Wala kaming imik. Naubusan na yata siya ng sasabihin. Hindi naman kailangan na madami siyang sabihin. Sapat na iyon sa akin. Hindi na mabigat ang loob ko. Sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Amelia," marahang saway niya pero hindi ako lumayo sa kaniya. Umakyat si Auntie at nagulat ito nang makita niya kaming dalawa. Later on, napangiti siya. Nakasunod naman sa kaniya sina Tita at Ranna. Nahihiya si Hendrix kaya lumayo ako ng kaunti sa kaniya. "May sasabihin ba kayo?" Auntie asked. "Kami na po..." "Liligawan ko