BACK TO SCHOOL. Madaming tanong ang mga kaklase ko sa akin pero tipid na ngiti lang ang sagot ko. Dahil transferee na naman ako, at wala naman akong natutunan nitong nakalipas na dalawang buwan, kailangan ko na namang humabol. Iiwasan ko pa man din na sana si Hendrix. And also I was planning to hire another tutor but Auntie insisted that Hendrix was the best tutor in town. Alam ko din naman na gusto lang tulungan ni Auntie si Hendrix. Iyong sahod niya sa pagtuturo sa akin ay malaking bagay sa kaniya...sa kanila ng pamilya niya. Wala ako sa mood. Ang isip ko ay wala sa klase. Gusto kong lumuwas ng Manila. Gusto kong malaman kung nagpapakabait na ba ang aking ama o may bago na naman siyang babae. Hindi ako mapakali. Hindi ako matahimik. Wala akong peace of mind kahit nandito ako sa pro