Russel's POV Pag-uwi namin ay dumiretso kami sa aking OB para magpa-check up. Kasama si Analyn at Jaylyn, kinausap ko si Edrick na sa kaniyang restaurant na lang papasukin ang dalawa. Pumayag naman si Edrick at binigyan ng apartment na magkasama ang dalawa. "Sila ang mga bagong waitress, be kind to these two women, they are friends of my wife." pakilala ni Edrick sa dalawa. Tumingin siya sa akin at pasimpleng kumindat. "May asawa na pala si Sir?" narinig ko pa na sabi ng isang waitress. "Yon ang sabi, may asawa na raw 'yan si Sir." kung mabubulungan man lang, naririnig naman. Hindi pa rin nila alam na ako lang naman ang asawa ng pinagpapantasyahan nilang lalaki. Sorry kayo, ako na nauna sa inyo ito na nga ang ebidensya masyado ng malaki. Naangiti ako ng palihim. "Ang sarap magkaro