Russel's POV "Whoaah! Summer is life!" habang palapit kami sa tubig. Sumigaw ng malakas ang dalawa. Ngayon lang yata nakaligo ang mga 'to. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nasa paligid. Kararating lang namin dito sa Palawan nang yayain ako ng dalawang ito na dumiretso na dito. Iniwan ko na nga lang ang mag-ama ko dahil sa pangungulit ng dalawang ito na samahan ko. Natanaw ko naman ang ampon ni ate Lai sa malayo. Si Eliza, palagi siyang malungkot at palaging nag-iisa. Nakatanaw sa malayo. Tatawagin ko sana nang paglingon kong muli sa kinaroroonan niya ay wala na siya. Bumalik na yata sa suits. Pagmamay-ari din pala ito ng daddy nila Senyorito at ng asawa ko. Ngayon, ibinigay na kay Edrick pero mukhang hindi si Edrick ang umaasikaso rito kun 'di si senyorito Elijah. Napakatamad tal