Kinaumagahan, nagising siyang wala sa tabi niya si Edrick. Napabalikwas siya at kaagad na napaupo sa kama. Napangiti na lamang siya nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi yata siya tinantanan ng asawa. Sinulyapan niya ang wall clock. Nanlaki kaagad ang kaniyang nga mata ng makitang alas onse na ng tanghali. "G-ganun ako katagal nagising?" hindi makapaniwalang sambit niya. Tumayo siya at dumiretso sa banyo para maghilamos. Paglabas niya ng silid ay naroon si Royal. Umiiyak na yakap ni nanay Leta. Nagtatakang lumapit siya dito. "R-Royal, anak? Bakit ka umiiyak? Nanay Leta? Ano pong nangyari?" Kinakabahan na lumapit siya dito. Sinuyod niya ang paligid ngunit hindi niya nakita si Edrick. "Si Sir Edrick po kasi ma'am, aalis na raw po patungong ibang bansa." sagot ni nanay Leta na nag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books