Russel's POV "Ma, si Edrick?" tanong ko kay mama nang makalabas sa aking kwarto. Iniwan ko kasi si Edrick kanina at pumasok kaagad ako sa aking kwarto. Naipit pa nga ang kamay nun sa pinto. Pero hindi ko pa rin siya pinapasok. "Ayun pinag-akyat ko ng buko." sagot ni mama na nagpalaki ng mga mata ko. "Mama! Hindi yun marunong umakyat ng buko!" sigaw ko. Hindi naman kasi marunong yun. Ano bang alam nun? Kapag nahulog yun? "Kapag nahulog yun, Ma. Mama naman eh!" kakamot kamot tuloy ako sa aking ulo. Natigilan naman ako ng tumawa si Mama. "Eh! Anong kino-concern mo diyan? Hindi ba't hindi mo pa napapatawad yung asawa mo? Ang sabi mo walang nagaganap na tampuhan sa inyo? Tapos ngayon malalaman kong nagseselos ka na pala dito sa bestfriend ng asawa mo. Kabataan talaga." inasar pa tuloy ako