Rusell PAGLABAS ko ng kusina para sana ayusin ang mga gamit ko na iniwan ko sa sala ng mansion. Ganun na lang ang pagtataka ko dahil nagsasayawan na ang mga tao sa sala. Maging si Senyorito, Eli, Vander at Kysler at maging ang mga ninang ng quadroplets ay nagsasayawan na rin. Lahat sila ay napalingin sa akin. "Oh, Nene, pa-order nga ng isang galon na tuba. Kulang eh!" sigaw ng isang ninang ng quadroplets. Ang pagkakatanda ko, Joy ang pangalan niya. "Gawin mo ng limang galon Nene dahil lahat kami oorder. Ang sarap, matamis at hindi nakakasawa." dagdag naman ni Ma'am Emma, lasinggera din 'to eh! Palibhasa tigang rin. "Ano ba 'yan, Emma? Parehong kaliwa ang mga paa mo!" asar ni Ma'am Lailani. Ako naman ay tuluyang lumapit sa kanila. T-teka. . . lasing na ba silang lahat? Paanong nalasing