5 years later "Royal!" Umalingawngaw ang boses ni Russel sa pagtawag sa anak. Kausap niya ngayon si Kent. Si Kent ang tumulong sa kaniya, si Kent ang tumulong sa lahat ng kailangan niya. Maging sa blood donor ni Royal ay si Kent din ang natakbuhan niya. Blood type O si Kent kaya nakapag-donate siya ng dugo kay Royal. Limang taon na rin ang nakalipas pagkatapos ng nangyari. "Kent?" sambit ni Nene nang makitang si Kent ang nasa loob ng kotse at ang bumusina sa kaniya. Lumabas mula sa kotse si Kent at inalalayan siyang pumasok sa loob ng kotse. Hirap na hirap na kasi siyang ihakbang ang mga paa. Nawalan na siya ng pag-asang makahanap ng blood donor ni Royal. "Nene, anong ginagawa mo do'n? Naglalakad ka lang. Ayos ka lang ba?" Marahang tumango si Nene. "Ayos lang ako, para sa anak ko