Most Beautiful Illusion

1614 Words
"Lang?!" Biglang tumayo ang babae mula sa pagkakadapa sa lupa at sinugod siya ng yakap. "Lang, you came back for me." Humikbi ito at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniya. "I thought you're not coming back. Ang dilim sa kubo. Paggising ko ay wala ka na kaya tumakbo ako palabas. Akala ko ay iniwan mo na ako." Parang namatanda na hindi siya nakagalaw. Nakabitin lang sa ere ang kamay niya na hindi alam kung saan ilalagay. Gulat na nakayuko, awang ang labi at nakatitig lang siya sa babaeng umiiyak na nakayakap sa kaniya. Blangko ang kaniyang utak. It's traveling somewhere in the recent past. Her touch is achingly familiar. Warmth filled his senses when he smelled her vanilla scent that he couldn't help but close his eyes. Every second of every day for the last two years, he begged the gods to make him feel this kind of peace and serenity again he had only experienced with Cin. Nang parang mahimasmasan ay natigilan ito at agad na bumitiw sa kaniya at nag-iwas ng mata sa hiya. She adjusted her frames that were not the same as he remembered it to be. "S-Sorry po Sir Langdon. Natakot lang po talaga ako." "C-Cin..." he whispered when he finally found his voice. "Yes po? Bakit po?" malambing na tanong nito, nagtataka na sa reaksiyon niya. "Cin," Langdon drawled, making sure his eyes were not betraying him. Makailang beses siyang kumurap para kumbinsihin ang sarili na namamalik-mata lang siya. How could this be? It's impossible! What's happening? Is it reality? Hindi ba ako nananaginip lang? Am I dead? Napatay ba ako ng mga humahabol sa akin? That's the only acceptable explanation he could come up with because what else could it be? If he is still alive and breathing, why is Cin standing in front of him wearing that similar lovestruck expression whenever she's staring at him? Ganoon na ba siya kagaling gumawa ng kwento at nabuhay niya si Cin at nabalik sila sa nakaraan? Or maybe it's just a dream. Yes, it's just a dream. Napuruhan siguro siya sa ulo kaya ngayon ay wala siyang malay at nananaginip na lang. "Are you real? Will you run away if I talk to you?" he asked in trance and moved to touch her face. Sa tuwing tinatanong niya sa panaginip si Cin ay palagi lang itong tumatakbo palayo sa kaniya hindi gaya ngayon na ang lapit pa ng mukha nito at nakangiti pa sa kaniya. "You... You're warm," he said, talking to himself when he reached for her hand. "You feel so alive, my Cin." Humulagpos ang pagpipigil niya. Niyakap niya ito ng buong higpit at paulit-ulit na hinagkan ang tuktok ng ulo. He doesn't care if she is just a dream or a figment of his imagination. Lulubusin na niya ang pagkakataong ito dahil baka bigla itong maglaho nang hindi man lang siya nakakahingi ng tawad dito. Nang tingnan uli niya ito at may nababasa na siyang lambong sa mata nito. Alam na niya ang kasunod nito. Magigising na siya kaya dapat na niyang dalian. "Cin, I'm sorry. I'm sorry for everything. I promise I will make everything right before I follow you, okay? Please be at peace there. Ako na ang bahala rito. Hindi ako aalis hangga't hindi ako nagbabayad sa mga kasalanan ko at hindi ko naitatama ang lahat." Tumulo ang mga luha niya nang hindi pa rin ito nawawala sa paningin niya. Ang saya niya. Ang saya-saya niya dahil kahit walang kapatawaran ang nagawa niya rito, nabigyan pa siya ng pagkakataong makita at makausap ito. She gasped when she saw him crying. "Lang? Bakit ka umiiyak?" Paglapat ng kamay nito sa pisngi niya para pahirin ang mga luha ay pumikit siya at nagbilang. Before she could withdrew her hand, he held it in place to feel her soft hand against his skin. "One, two, three." It will take a few seconds before she dissipates into thin air. Ngunit pagmulat niya ay nandoon pa rin ito nakamata sa kaniya at naghihintay. Ngumiti siya nang napakaluwag. Ano ba naman kung dayain niya ang kaniyang sarili 'di ba? "Is it really you Cin? Bumalik ka ba talaga dito sa akin?" he asked, still overwhelmed, while caressing her rosy cheeks using what's left of his fingers behind his gloves. Her complexion is not that pale anymore as if she had received enough spotlight. Tiningnan siya nito ng napapantastikuhan. Napaigtad pa siya ng dinama nito ang leeg niya. "Sir Lang I mean Lang, may sakit ka po ba? Kanina mo pa ako tinatanong kung totoo po ba ako. I'm real po. I'm really real." Dinala nito ang mga kamay niya sa mukha nito at mahinang sinampal-sampal sa pisngi. "See? I'm really real. Totoong-totoo po ako." Nawala ang kaniyang ngiti at pumalit na naman ang pagtataka. The corner of her lips twitches into her familiar shy smile. Cin... he called her in his mind. Totoo ka ba talaga? Ibinalik ka ba ng sirena sa akin para bigyan ako ng isa pang pagkakataon? "Paanong? Is this really happening? How is it possible?" he mumbled. "Kasi nga 'di ba Lang, may mga umatake sa atin sa bahay mo tapos tumakas tayo papunta dito sa gubat. Nakatulog ako sa kubo tas nagising ako na wala ka na kaya hinanap kita. I really thought that you left me so I ran crying and shouting for you kaya naman noong makita kita, I can't help but hugged you. I'm sorry if I cross the line. I swear, I didn't mean to." Itinaas pa nito ang isang kamay para patunayan na nagsasabi ito ng totoo. Tahimik na hinawakan niya ang kamay nito, ang braso nito, pataas sa mukha nito. Naghahanap siya ng palatandaan na hindi ito totoo kasi naniniwala na siyang buhay nga itong nasa harapan niya. Pumailanlang ang isang putok na bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanila. "Lang!" Takot na mabilis itong nagtago sa likod niya. That woke him up. This is reality. Cin is alive and she's in danger because of the bounty on his head. Pinroktektahan niya ito gamit ang sariling katawan at listong ipinasok sa kotse. Sumunod din kaagad siya at pinaandar ang sasakyan. "Cover your ears, Cin," he instructed her and threw the grenade outside the window. Pumikit ito at tinabunan ng mga kamay ang tenga at yumuko. "Okay, Lang." God, he missed her calling him in that name. Still recovering from the shock he got from seeing Cin in flesh, alive and very much the same since he recalled her to be, Langdon paused for a moment to take in the situation. Ilang beses niyang kailangang huminto para titigan si Cin at siguraduhing hindi nga ito produkto lang ng imahinasyon niya. Bumalik uli sa kaniya ang mga sinabi nito kanina. Kubo? Armed men attacked them? But this is not the same forest where he took her. Sa Cerro Roca iyon pati ang kubo. They are in Monte Vega now. Gulat na nilingon niya ang natutulog na na babae nang mapagtagpi-tagpi ang lahat. Tama nga ang hinala niya nang matanggap niya ang katotohanang buhay si Cin. May mali. Bakit hindi ito galit sa kaniya? Bakit parang nabalik ito sa mga unang araw na magkasama sila? What happened to her and how did she manage to come back here? Could it be that she was saved miraculously and had amnesia in the process? Sa naisip ay napahinga na lang siya nang malalim. He can't imagine the kind of pain Cin must have went through both physically and mentally all because of what he did. Tulirong nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Wala pa rin siyang naiisip na mga kasagutan sa dami ng mga tanong na nagsasalimbayan sa utak niya. But that doesn't matter now. He will forever thank the heavens for giving him a chance to apologize to her and to have this moment again with her. Pulling up to a corner, he unbuckled his seat belt, climbed down out of the car, and open the door to the passenger seat to snatch Cin gently into his arms. Buong ingat niya itong niyakap na parang babasaging kristal at isinubsob ang mukha sa buhok nito. His shoulders began to shake. "Lang? Okay ka lang?" tanong nito nang magising sa pagyapos niya. Sinuklay nito ang buhok niya. "Okay lang 'yan, Lang. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo at hinding-hindi ko malalaman kung hindi mo sasabihin pero kahit ano pa man iyan, lilipas din iyan. Everything will be alright." No! It won't be okay. I killed you. I killed you, Cin. Mas lumakas pa ang pagyugyog ng mga balikat niya, ang mga braso ay mas naging mahigpit ang yakap sa paligid ng katawan nito. Paano ba niya sasabihin ang pinakamalaking kamalian na nagawa niya? Saan ba siya magsisimula? Would this version of Cin be able to take it? Cin never failed to comfort him even when he's hurting her. Ilang beses niyang nakita itong umiiyak noon dahil sa kaniya pero hindi nito iyon pinapahalata. Sa kabila ng sakit ng mga sinabi at nagawa niya rito, pinipilit pa rin nitong bigyan siya nang matamis na ngiti. But he swear that this time, he'll make sure that she'll smile without pretending. Making her happy is his number one priority. It will not make up for all the shitty treatment he showed her but it will make her happy. Gusto lang niyang makitang sumaya naman ito sa kaniya para naman makabawi siya nang kahit kaunti sa lahat ng pasakit na ginawa niya rito. Wala na siyang balak na alamin kung ano ang nangyari at bumalik uli sa kaniya si Cin. He'll take it that this is the fulfilment of the wish he'd foolishly prayed for every night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD