Maaliwalas ang kalangitan na napapalamutian ng mga paboritong bituin ni Cin kaya naman ay hindi na ito magkandaubaba sa pagbaba sa kabayo para suyurin ng tingin ang buong lugar. "Wow, Lang! Ang ganda!" Tinakpan nito ang bibig at muntikan nang madapa sa daan sa pagmamadali para makatuntong sa itaas ng burol. She spun around her ankle-length off-shoulder white dress and yelped like a small kid when she saw the ocean down below. "Gosh! This is magnificent! Ngayon pa lang ako nakarating dito!" Humiga ito sa damuhan saka inipon nito ang nakalugay na buhok sa gilid ng leeg at manghang itinuro ang kalangitan. "Look Lang o! That's the Orion constellation, the great hunter! That's his belt, his head, his legs, his arms. Have you read a mythology story about him? Did you know that his life is