"Lang? Lang! Gising! You're having a nightmare." Naririnig niya ang boses ni Cin sa malayo pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi siya makagalaw. Ni hindi niya maimulat ang mga mata niya. "Lang!" He heard her crying while frantically calling for his name. He wants to wake up in a second to ask her what's wrong and to soothe her but his body feels heavy, an invisible hand is pulling him down into the bottom of the sea. Cin... "Langdon!" Nakaramdam siya ng kaunting sakit sa katawan bago tuluyang bumukas ang mata niya habang naghahabol ng hininga. "Lang!" Umiiyak na sinugod siya nito nang yakap nang makaupo siya sa kama, tagaktak ang pawis niya at parang puputok ang ulo sa samu't saring emosyon. Wala sa loob na hinapit niya ito palapit at sa nanginginig na kamay ay hinagod