Nagpasya siyang dalhin si Cin sa pamosong breakwater ng Cerro Roca bilang pamamaalam dito. Mamayang hatinggabi ay susunduin na ito ni Lucindra sa napagkasunduang lugar nila. Hindi na niya ito makikita kahit na kailan kaya mag-iipon siya ng mga magiging alaala nila na babaunin niya hanggang sa huling mga araw ng buhay niya. "Wow! It's so beautiful here! Lang, bakit ang gaganda yata lahat ng mga alam mong lugar? That cliff at Monte Vega too and now this." Nagniningning ang mga mata na umupo ito sa tabi niya at inilagay ang mga kamay sa mukha at nangalumbaba gamit ang balikat niya. "The moon is so beautiful and the stars... ahhh... it's pure heaven here. Dito na lang sana tayo forever 'no. Ayoko nang umalis dito." Ako rin, saad niya sa isip. If only we could live like this for the rest o